Tito Alfie Lorenzo’s Cremation Update

ADVERTISING

Tito Alfie Lorenzo's Cremation Update

Tito Alfie Lorenzo's Cremation Update
Tito Alfie Lorenzo Cremation

IT WAS past 9:00 in the evening (Wednesday last night) ang cremation ng showbiz nanay-nanayan namin na si Tito Alfie Lorenzo na inagawa sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Ave. sa Quezon City.

ADVERTISING
 
After the 8:00 in the evening mass sponsored ng PAMI, ang talent manager’s organization na kinabibilangan niya, from the main building kung saan isinagawa ang wake (almost 20 meters away lang) ay inihatid na si Tito Alfie ng mga mahal niya sa buhay sa crematorium.
 
Naroon sina Judy Ann Santos na abala pa rin sa pag-aasikaso ng mga dumating na mga kaibigan, kasamahan sa panulat at mga kamag-anak na since his death ay all-out ang support ng aktres sa namayapang si Tito A.
 
Galing si Juday sa 1st shooting day ng pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes”.
 
Tito Alfie Lorenzo's Cremation Update
Judy Ann Santos at Alfie Lorenzo’s wake
Sa short information na bigay ng aktres  sa amin ay almost 2 to 3 hours lang isasagawa ang cremation.
 
Tito Alfie Lorenzo's Cremation Update
Lito Pimentel, Jeffrey and Judy Ann Santos
 
“After the cremation ay ibabalik ang kanyang ashes sa Faith Room para sa last night ng wake niya. Tomorrow after the 9:00 AM mass, dadalhin na siya sa Porac, Pampanga” short info ni Juday sa aming tsikahan kanina.
Tito Alfie Lorenzo's Cremation Update
 
Sa huling pagkakataon, maraming salamat “Alfonga”, tawag namin kay Tito Alfie Lorenzo. Goodbye Tito Alfie.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING