Tisay na actress, madalas umbagin noon ng asawang mahusay na aktor

ADVERTISING

NAKAAAWA NAMAN pala talaga ang mga nararanasan dati ng Tisay na aktres sa kanyang husband na napakahusay na actor. Ito na nga ang siyang naging dahilan kung bakit nagdesisyon si babae na hiwalayan na si lalaki. Kasi, sobra palang magaan ang kamay ni lalaki na pagbuhatan ng kamay ang kanyang wife kapag nagkaroon sila ng pagtatalo na humahantong sa pag-aaway. Nananakit palang talaga si aktor, dahil madali siyang mabigla.

Nakakalowkah talaga ang napakahusay na aktor na ‘yan. Kung magpainterbyu siya sa telebisyon sa harap ng kamera katabi ang kanyang wife na aktres, akala mo’y sobra niyang mahal at iniingatan. ‘Yun pala, nagkukunwari lang at nagtitiis si Aktres at umaarte sa interbyu sa harap ng kamera gamit ang mga salitang: “Okey naman kami ng husband ko. Sobrang love niya ako.” Pero ang totoo ay lagi siyang inuumbag ni Husband.

ADVERTISING

Minsang magpa-Pasko noon, isang grupo ng press ang nagkaroling sa house nina Aktres at napakahusay na aktor. Kakanta na ang grupo ay hindi pa bumababa mula sa hagdanan ng house nila si Aktres. ‘Yun pala, nagpahid muna siya ng concealer na kakulay talaga ng kanyang skin ng pagiging Tisay, para hindi mahalata ng press na ang mukha niya ay nangingitim na dahil puro pasa sa nangyaring umbagan nila ng kanyang husband. Nagpainterbyu si Aktres at walang nakahalata na bugbog-sarado siya. Salamat na lang sa gamit niyang concealer. ‘Di ba naman?

by Melchor Bautista

ADVERTISING