Tintin Bersola, ayaw nang maging newscaster

ADVERTISING

Tintin Bersola, ayaw nang maging newscaster

Tintin-BersolaINAMIN NAMAN ni Tintin Bersola na nakita niya ang pagiging tunay na public servant ni Edu Manzano. Super galante raw ng actor na laging handang bumunot ng pera para maitulong sa mga dapat tulungan.

Siya naman daw ay mas iyakin sa tatlo na hanggang sa kanilang bahay ay dala-dala pa rin niya ang mga bigat ng problema ng mga taong nakasalamuhan nila sa show.

Kailangan pa raw niyang ikuwento sa iba ang naka-encounter nilang problema ng pamilya sa show para mailabas niya ang bigat na dinadala sa dibdib.

Grabe raw ang mga nakasasalamuha nilang mga problema ng mga taong humihingi ng payo sa kanila. Hindi raw niya akalain na may ganoon daw problemang nangyayari sa isang pamilya.

ADVERTISING

When ask kung gusto pa niyang bumalik sa pagiging newscaster? Isang matigas na ‘no’! dahil mas nakapagbibigay raw sila ng payo sa mga taong nangangailangan ng tulong at mas nag-e-enjoy raw siya pagho-host.

Graduate na raw siya sa pagiging newscaster.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING