Tinawag na ‘bitch’ si Aubrey Miles;
Mo Twister, pinalagan ni Troy Montero

ADVERTISING

<b>Tinawag na ‘bitch’ si Aubrey Miles;</b><br> Mo Twister, pinalagan ni Troy Montero

<b>Tinawag na ‘bitch’ si Aubrey Miles;</b><br> Mo Twister, pinalagan ni Troy MonteroNAG-REACT SI Troy Montero nang tawaging bitch ni Mo Twister si Aubrey Miles sa Twitter.

“Wow, some bitch called me a coward? Same one who hid her kid so she can do softcore porn. Nice.” Tweet ni Mo, obviously referring to Aubrey.

“Hey, DJ Mo Twister, calling my girl a bitch from a distance is easy. Please come say that to my face… please,” reaction naman ni Troy.

Seemingly, pumalag naman si Mo by tweeting, “I thought pornstar was the better insult. But sure, will do. Lemme me know when u need to renew ur passport stamp & set a date.”

ADVERTISING

Let’s see nga kung kayang pangatawanan ni Mo ang kanyang binitiwang salita.

Sabi naman ni Aubrey, hindi siya nagpapaapekto sa mga bashings ni Mo sa kanya sa nasabing social networking sites.

“Kasi pag mga ganu’n I don’t take it seriously specially after survivor mas madami pang malala akong natanggap.”

“Basta happy ka and u don’t mind negativity kasi part ng buhay yan Kung walang nega walang positive,ul learn to love both.” ‘Yan ang sunud-sunod na tweet ng sexy star.

Hindi namin alam kung bakit nadamay si Aubrey sa galit ni Mo kay Troy. Obviously, may kinalaman si Troy sa galit ni Mo dahil kapatid siya ni KC Montero na siya ngayong dyowa ni Rhian Ramos, ang ex-ni Mo.

 

SPLIT NA raw sina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Hindi na raw carry ni Pauleen ang pressure sa relasyon nila dahil ang daming kontra. Hindi nga ba’t pati mga anak ni Vic ay against sa relationship nila.

Nagkakalabuan na raw ang dalawa before pa ng presscon ng soap ni Pauleen sa Siyete. Ito raw ang dahilan kung bakit nag-walkout ang dalaga at hindi na nagpa-interview pa sa press after the presscon.

Interestingly, hindi pa umaamin ang dalawa pero ngayon ay natsitsismis na silang hiwalay.

 

MANGIYAK-NGIYAK SI Louise delos Reyes nang gawin siyang bida sa primetime ng GMA bilang leading lady ni Alden Richards sa One True Love.

“Totoo, hanggang ngayon naiiyak ako. Para kasi sa akin isa siyang dream come true,” sabi ni Louise na nagsimula nang humikbi.

“At the same time kabado ako at sobrang pressured ako sa mga natatanggap kong papuri,” dagdag pa niya.

Para kay Louise, parang it came way too fast.

<b>Tinawag na ‘bitch’ si Aubrey Miles;</b><br> Mo Twister, pinalagan ni Troy Montero

“Masyadong mabilis kaya ganito ang reaction ko. Para sa akin dream ko lang siya na sana one day magkaroon ako ng primetime shows na ako ang bida. Dininig Niya kaagad. Iba kasi ‘yong primetime.”

Kasabay ni Louise sa pag-akyat sa primetime si Alden na kasabayan niya.

“Masyadong malayo na rin ang nararating ni Alden since Alakdana. Sobrang matibay ‘yung foundation namin na konting galaw lang nu’ng isa, alam na kung bakit nagkaganoon.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING