Tinalbugan sina Jennylyn, Jessy at Kim: Nadine Lustre, itinanghal na sexiest Pinay!

ADVERTISING
Tinalbugan sina Jennylyn, Jessy at Kim: Nadine Lustre, itinanghal na sexiest Pinay!
Nadine Lustre

TAOB ang Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo at past FHM Sexiest Women na sina Jennylyn Mercado at Jessy Mendiola sa kamandag ng young actress na si Nadine Lustre. Paano? Siya lang naman ang hinirang na sexiest woman of the Philippines ngayong 2017!

Habang isinusulat namin ito ay samu’t saring reaksyon ang nabasa naming from netizens. May mga nagsasabi na si Kim Domingo ang deserving manalo dahil mas malaman ito at she exudes the sexy image of a woman na madalas na kahumalingan ng mga kalalakihan.

May iba naman na todo depensa sa bagong sexiest woman. Ayon sa kanila, ang sexiness naman ay hindi lamang sa panlabas na anyo. Ang sexiness ay defined ayon sa personality.

Kunsabagay, si Nadine Lustre naman ay isa rin sa strong contenders last year, pero natalo ito ni Jessy Mendiola. Ngayon na ang time niya to shine!

This year din ay naging mas palaban ang dalaga sa pagpopost ng kanyang bikini pictures, super sweet and full of love photos with boyfriend James Reid at isa rin itong budding entrepreneur with her upcoming perfume line called Luster.

ADVERTISING

Narito naman ang buong listahan ng Top 10 Sexiest Women in the Philippines for 2017:

  1. Nadine Lustre
  2. Kim Domingo
  3. Rhian Ramos
  4. Jessy Mendiola
  5. Ellen Adarna
  6. Jennylyn Mercado
  7. Angel Locsin
  8. Liza Soberano
  9. Maine Mendoza
  10. Solenn Heussaff

Ang pagpost ni Maine Mendoza ng kanyang mga Maldives bikini pictures marahil ang dahilan kung bakit last minute ay nakapasok ito sa Top 10.

Medyo nakakabigla naman na wala si Andrea Torres sa listahan.

Nakapag-release ng statement ang men’s magazine na FHM na hindi magkakaroon ng bonggang party ang sexiest woman this year. Sayang naman kung sakali!

Congratulations kay Nadine Lustre!

ADVERTISING