Tinabla ang bestfriend na si Mo Twister KC Montero, dyowa na ni Rhian Ramos?!

Tinabla ang bestfriend na si Mo Twister KC Montero, dyowa na ni Rhian Ramos?!

Tinabla ang bestfriend na si Mo Twister KC Montero, dyowa na ni Rhian Ramos?!

KALAT NA kalat na sa showbiz na magdyowa na talaga sina Rhian Ramos and KC Montero.

Out in the open na raw ang dalawa among their friends. Kaya lang siyempre hindi pa nila ito maamin publicly. Siguro they’re waiting for the right timing.

Could it be true that because of Rhian, lalong na-strain ang friendship nina KC at Mo Twister. Bestfriends ang dalawa, sanggang-dikit at magkasama sa mga kalokohan, pero at this moment ay bitter enemies na raw sila.

Reports have it that Rhian fell in love with KC, dahil nakita niya rin ang qualities ni Mo Twister – madaldal, kalog, down to earth and witty.

Kaso, hindi raw matanggap ni Mo na ang bestfriend niya ang ipinalit sa kanya ng kanyang ex-girlfriend. Ayun, tila nagsolian na ng kandila ang dalawa. Pareho nilang in-unfriend ang isa’t isa sa Twitter.

But before doing that, nagkaroon pa ng patutsadahan ang dalawa.

True kaya ang tsikang sinundan pa raw ni KC si Rhian nang magbakasyon ito sa abroad recently?

 

MAGIGING KAPATID na ba si Grace Lee?

We’re asking this as a mole told us na Grace is about to be cast in the reformatted morning show of TV5, ang Sapul sa Singko which will take on a new name, Good AM Club.

Sabi sa amin, malapit na raw maging Kapatid star si Grace at isasama nga siya sa magbabagong-bihis na morning show to be hosted by Paolo Bediones, Cheryl Cosim, Chiqui Roa-Puno, Amy Perez and Martin Andanar.

Naku, alam kaya ito ng GMA? Ang alam namin, may bagong show pa si Grace sa Siyete.

Nakapagpaalam na kaya si Grace sa GMA bosses about her plan to switch to TV5?

AMERICAN IDOL host Jennifer Lopez was interviewed by Ryan Seacrest sa kanyang radio show, ang On Air with Ryan Seacrest, pagkatapos ng season 11 finale wherein tinalo ni Phillip Phillips ang pambato ng ‘Pinas na si Jessica Sanchez.

Na-impress nang husto si J-Lo sa duet nina Jennifer Holiday and Jessica Sanchez.

Tinabla ang bestfriend na si Mo Twister KC Montero, dyowa na ni Rhian Ramos?!

“It was amazing,” J-Lo quipped. I was there for the rehearsal and I was literally on my knees bowing down to her. I mean, she’s just incredible. To hear her sing, everybody should have that experience,” say ni JLo.

Sadly, nakita raw ni J-Lo na si Phillip at hindi si Jessica ang tatanghaling bagong American Idol.

“As much as kind of love Jessica and knew her voice is so outstanding I kind of felt like Phillips gonna win. I don’t know why. I just felt he connected with the audience in a way, like when he’d come out and the way they would scream, certain things you just feel, ‘o, that’s your idol’,” esplika ng singer-judge.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas