Tina Paner, matagal nang hiwalay sa Fil-Spanish husband

Tina Paner, matagal nang hiwalay sa Fil-Spanish husband

Tina-PanerPARANG HINDI tumatanda ni Tina Paner nang makatsikahan namin sa launching ng Healing Hearts sa GMA 7 last Monday.

Sabi ni Tina, happy raw siya sa piling ng nag-iisang anak na babae na si Shane. Wala rin daw naging problema sa ex-husband na isang Filipino/Spanish nasa Barcelona, Spain.

“Yes, matagal na kaming hiwalay. Okey naman kami ngayon. Hindi naman niya pinababayaan ang anak namin. May bago na siyang pamilya sa Barcelona, Spain at mayroon nang dalawang anak. Tanggap naman si Shane ng dalawang kapatid niya sa ama. Bata pa si Shane, pero advance na ang utak nito, kaya natanggap at naunawaan kaagad nito nang maghiwalay kami ng daddy niya,” pahayag ni Tina.

When asked about her lovelife. Wala raw at masaya na siya sa piling ng anak. Nakaganda pa ang sunud-sunod na project niya sa GMA 7 kaya tuluyang nang nakalimutan ang lahat ng naging problema.

Sayang nga lang at magsisimula na ang launching ng Healing Hearts, kaya hindi na namin naitanong kay Tina ang isyu na kaya nagalit daw sa kanya si Mommy Daisy Romualdez ay dahil may kinalolokohan daw itong isang tomboy?

Anyway, kung totoo man o hindi na nagpapasaya diumano ngayon kay Tina ang siyang ikinagalit ng kanyang ina, ang importante ay nasa poder ni Tina ang kaisa-isang anak na twelve years old na ngayon at may magandang communication pa rin sa amang nasa Barcelona, Spain.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo