TIME HEALS ALL WOUNDS: Nanay ni Heart Evangelista, boto na kay Chiz Escudero

BAGO PA MAN naging opisyal ang relasyon noon ni Heart Evangelista kay Chiz Escudero ay nabalot na ito ng kontrobersya na umabot hanggang sa kanilang pag-iisang dibdib. Ang dahilan? Hindi boto ang nanay ni Heart sa simpatikong senador.

Years have passed at masasabi natin na time heals all wounds!

TIME HEALS ALL WOUNDS: Nanay ni Heart Evangelista, boto na kay Chiz Escudero

Sa newest vlog upload ni Heart ay tampok ang nakatatandang kapatid ni Heart na si Camille kasama for the very first time ang kanilang ina na si Cecilia para sa isang cooking video.

Habang busy na nagluluto si Camille ay napagusapan na rin ng mag-iina ang kanilang upbringing. Hindi lihim sa showbiz na strikto ang mga magulang ni Heart at lagi nilang kinokontra kung sinuman ang nakakarelasyon nito. Hindi nakaligtas dito ang ngayo’y asawa na ni Heart na si Sen Chiz.

Kung noon ay very firm sa pagkontra ang ina, nagkaroon na ng ‘change of heart’ ito. Magkakasundo na sila!

“You’re fine. You’re happy” simpleng sambit ni Mommy Cecilia sa anak patungkol sa marriage nito.

Hinatak tuloy ni Heart ang mister para marinig nito ang encouraging words mula sa kanyang ina.

“You know what I like about your marriage? You allow each other to grow. You don’t stunt her growth.”

Dagdag pa niya, “Full grown ka na. You don’t cramp her style. I think that’s what’s good about their marriage. He allows her to grow, to mature on her own.”

Siguradong abot langit ang tuwa ng mga taong suportado ang relasyong Chiz-Heart na habang tumatagal ay lalong tumatamis!

Maliban sa ‘approval rating’ ni Mommy Cecilia sa kanyang son-in-law ay may makukulay na kuwento rin ito tungkol sa childhood nina Heart at Camille. Pati ang isyung retoke raw ang ilong ng anak ay kanyang sinagot!