Ticket-invitation sa premiere night ng AlDub movie, kahapon pa lang, ubos na

ADVERTISING

Ticket-invitation sa premiere night ng AlDub movie, kahapon pa lang, ubos na

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Ang aga at ubos agad ang premiere night tickets para sa inaabangang “Imagine You & Me”, kung saan hahatulan ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza sa unang pelikula na pagtatambalan nila.

Yes, magaganap ang premiere night ng pelikula ng AlDub mamayang 7:00 p.m. sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Ayon sa information na nakarating sa amin kaninang umaga from an insider ng produksyon, as of yesterday pa lang daw, mabilis na naubos ang ticket-invitation at marami pa ang nagre-request na maka-score dahil gusto nilang makita agad ang sweetness ng tambalan nina AlDub on screen na obra ni Direk Michael Tuviera.

Ang pelikula ay ginawa dahil sa clamor ng publiko na mula sa “kalye serye” segment ng “Eat… Bulaga!” kung saan nabuo ang loveteam ng dalawa, ang tatlong producers (APT Films, Tape Inc. at M-Zet) ay nagdesisyon na ito na ang tamang panahon na pasukin na rin nina Alden at Maine ang pag-arte sa pelikula and also as an offering sa milyun-milyong fans nila na himihingi pa ng more” para sa anniversary ng love team ng dalawa na magaganap sa July 16.

ADVERTISING

Sa mga hindi napagbigyan ng ticket-invitation dahil sa limited lang ang seating capacity ng Cinema 10, bukas mapanonood n’yo naman ang “Imagine You & Me” nationwide.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING