Tiborcia na? Female co-host, bruskong-brusko na kung umasta!

ADVERTISING

MARAMI ANG NAKAKAPANSIN na habang tumatagal ay nagiging bruskong kumilos ang isang female co-host ng isang sikat at top-rating na TV show. Pati sa napili niyang bagong hairstyle, hindi na girl kundi masculine na talaga ang kanyang dating.

Matatandaang nang nagsimula ang female co-host na ito sa isang variety show na unang nagbigay ng break sa kanya, neneng-nene pa at walang kamuwang-muwang ang kanyang dating. Mahaba ang kanyang hair at kung magkikilos ay ubod nang hinhin. Tuloy ay madalas siyang mapagtripang asarin on cam ng kanyang mga kasamahan.

ADVERTISING

Nagkaroon ng mga intri-intriga hanggang nawala siya sa nasabing programa. Medyo matagal din siyang hindi naging visible sa telebisyon hanggang nasorpresa na lang ang lahat na biglang nadagdag siyang co-host ng isang top rating TV show ngayon.

Pero ang dating pa-girl na female co-host na ito, ngayo’y kapuna-punang kung umasta ay parang maton o siga na. May mga nagdududa tuloy na baka isa siyang lihim na lesbiana na sa ngayon ay unti-unting nag-a-out na.

At hindi naman nga raw masisisi ang female co-host na ito kung halimbawang iladlad na niya ang pagiging tomboy sa ngayon. Ang dami kasing seksi at naggagandahang dancers sa programa kung saan siya nagku-co-host sa ngayon.

ADVERTISING

Kung sangrekwang mapanuksong alindog nga naman ang makakasama at makikita niyang maya’t maya ay nagbibihis nga NG mga very revealing dance costumes, aba’y nakakatomboy nga talaga!

Naman!

(By Ruben Marasigan)

ADVERTISING