Thrid year high school na anak ng pulitikong aktor, 3 beses nang nagtangkang magpakamatay

ADVERTISING

BLIND ITEM: NAKAKALOKAH! 3RD suicide attempt na pala today (Nov. 12) ng isang 3rd year high school student sa Xavier School.

Napigilan lang ang pagtalon nito mula sa 4th or 5th floor ng building sa naturang campus, sabi ng aming friend na du’n din nag-aaral ang anak.

ADVERTISING

Ewan kung alam ng actor-turned-politician ang pangyayaring ito sa kanyang binatang anak.

‘Yung unang dalawang suicide attempt ng bagets ay nangyari nu’ng magkaroon ng event sa China.

Ano kaya ang problema ng bata? Binu-bully kaya ito ng mga kaklase? O problema sa pamilya ang dahilan? O broken-hearted?

ADVERTISING

Sana, magkaroon ng panahon ang ama na matutukan ang problema ng anak bago pa mahuli ang lahat. Baka inaatake lang ng depression ang bagets.

 

SAMANTALA, NAPAG-ALAMAN naman namin (ewan kung ito’y totoo), bale stepson lang ito ng actor-politician, dahil anak ito sa unang asawa ng napangasawa ng politician. Maging ang tunay na ama raw ng bata ay may suicidal tendencies, kaya sabi ng aming source, “Nako, nasa genes pala ng bata ‘yung magpakamatay.”

Idinagdag pa ng aming source na ‘yung ibang parents ng mga bata roon ay kabisadong-kabisado ang sasakyan ng actor-politician, “Pa’no mong hindi malalaman, eh among the parents, siya lang yata ang nakadidiretso du’n sa parking na hindi dapat parkingan sa loob.”

Hindi namin alam kung confirmed ito, ha? Basta ‘yun lang ang tsika sa amin.

“Siguro, baka ayaw niyang maghintay nang bongga sa labas, kaya dire-diretso ang sasakyan niya sa loob. Hindi nga naman siya matatrapik.”

‘Yun na.

By Ogie Diaz

ADVERTISING