Threat daw sa kasikatan ni Charice Jessica Sanchez, pilit na inilalaglag sa American Idol?!

ADVERTISING

Threat daw sa kasikatan ni Charice Jessica Sanchez, pilit na inilalaglag sa American Idol?!

Threat daw sa kasikatan ni Charice Jessica Sanchez, pilit na inilalaglag sa American Idol?!

GAANO KAYA katotoo ang kumakalat na balitang gumagawa ng paraan ang grupo ni Oprah para malaglag sa American Idol ang Pinay/Mexican na si Jessica Sanchez na ngayon ay kabilang sa top 5 at malaki ang posibilidad na umabot hanggang top 2 at pagwagian ang season 11 ng pinakasikat na singing search sa America, ang American Idol.

Maugong kasi ang balitang nauungusan na ni Jesscia si Charice Pempengco, kung popularity ang pag-uusapan sa America, kaya naman daw on the rescue ang tumatayong manager ni Charice na si Oprah para hindi magpatuloy ang pamamayagpag ni Jessica.

Dahil kung gaano raw kainit ngayon ang pagtanggap ng mga Amerikano kay Jessica ay ganu’n naman katamlay ang career ngayon ni Charice sa bansa ni Uncle Sam. Kaya naman para hindi maungusan ni Jessica si Charice, may ginagagawa raw ang kampo ni Oprah para malaglag na si Jessica at hindi na umabot hanggang final 2. ‘Yun na!

ADVERTISING

 

IN FULL force ang Pamilya Gutierrez sa matagumpay na launching ng Gutz and Glory deo-cologne ng Bench ni Richard Gutierrez last Saturday na ginanap sa Atrium ng SM Mall of Asia, mula sa imbitasyon ni Lawrence.

All smile ang proud parents nito na sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez with Ruffa Gutierrez kasama ang mga pretty kids nito na sina Lorin at Venice, sina Raymond Gutierrez at Elvis Gutierrez, at ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Richard.

Sobrang saya raw ni Richard dahil dumalo ang kanyang pamilya sa launching ng kanyang deo-cologne. Tsika pa ni Richard na solid daw silang pamilya at laging nandyan para sumuporta sa isa’t isa.

At kahit nga raw sa mga problemang pinagdaraanan nila, handa silang dumamay sa isa’t isa, ang laban daw ng isa sa kanilang pamilya ay laban nilang lahat. Kaya naman daw kapag may mang-aapi sa isa sa kanilang pamilya ay nand’yan sila para ipagtanggol ang isa’t isa.

Ang isa pa raw sa nagpapasaya ngayon kay Richard ay dahil malapit nang magsimulang mapanood ang bago niyang soap na Makapiling Kang Muli na mapapanood next month sa GMA.

 

SOBRA-SOBRA ANG daloy ng luha ng ma-interview ng mga press people ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta para sa kanyang show ang Sharon, Kasama Mo, Kapatid na magsisimula nang umere sa May 7, 2012.

Madamdaming pahayag ni Sharon habang patuloy na lumuluha na mahal na mahal niya ang kanyang Tita Helen Gamboa-Sotto at miss na miss na niya ang mga pinsan na anak nina Senator Tito Sotto at Helen na itinuturing nitong mga kapatid dahil na rin sa gap na pinagdaraanan ng kanyang pamilya at ng pamilya Sotto.

At umaasa si Sharon na maayos din kung ano man ang gusot na pinagdaraanan ng kanyang pamilya sa tamang panahon at kahit ano raw ang mangyayari ay mananatili siya sa tabi ng kanyang asawa para sumuporta.

 

SUCCESSFUL ANG naging show ng isa sa sumisikat na boyband sa bansa, ang Upgrade, sa Iba, Zambales para sa kanilang Manggahan Festival sa tulong ni Alex Lopera na isang magaling na make-up artist.

Kaya naman after ng show ay halos hindi makalabas ng dressing room ang buong grupo sa kapal ng taong nagtiti-lian at gustong magpa-kuha sa kanila ng litrato at makita sila nang malapitan na karamihan ay mga batang babae at kabadingan. Kaya naman nangako ang grupong muling babalik sa Iba, Zambales sa May 3 para sa isa pang show.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING