Thor Dulay, tinarayan ng isang sikat na singer

Thor Dulay, tinarayan ng isang sikat na singer

Thor-DulayNAKARANAS PALA ng pagtataray mula sa isang sikat na singer noon ang ngayo’y unti unti nang nakikilalang mang-aawit na si Thor Dulay nu’ng mga panahong nagbo-vocal coach pa siya sa mga sikat na singer.
Kuwento nga ni Thor na nakaranas siyang masigawan at matarayan, pero inintindi na lang daw nito ang nasabing singer dahil baka raw wala lang ito sa mood. Hindi nga raw ito naging dahilan para talikuran niya ang kanyang pangarap na maging isang sikat na mang-aawit.
Isa nga raw ito sa naging inspirasyon ni Thor para mas pagbutihin pa ang kanyang pag-awit at matupad ang kanyang pangarap. At ngayon nga na may first major concert na ito sa July 17 (Friday), 8 pm sa Music Museum entitled “Thor Soulful Concert 2015” hatid ng Aqueous Events Management ni Sir Vince Jeremiah Abasolo at sa pakikipagtulungan ng Music Museum, isa raw ito sa katuparan ng matagal na niyang pangarap. Makasasama ni Thor sa nasabing konsiyerto sina Liezel Garcia at KZ Tandingan.

 

 

John’s Point
by John Fontanilla