Thea Tolentino, kontrabida na naman sa bagong teleserye

ADVERTISING

KONTRABIDA na naman ang talented Kapuso actress na si Thea Tolentino sa upcoming fantasy series na ‘The Lost Recipe‘. Ito ay pinagbibidahan ng GMA-7 homegrown talents na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, na for the first time ay leading man na sa isang TV show.

Kontrabida na naman si Thea Tolentino. Ito lang ang nasabi namin at nakakaloka lang dahil sa tuwing nasusulat namin ang dalaga rito ay palaging tungkol sa pagiging kontrabida niya sa iba’t ibang pinipiling bida ng GMA-7 ang aming shinishare.

ADVERTISING
Thea Tolentino, kontrabida na naman sa bagong teleserye
Thea Tolentino

Sa totoo lang, mixed feelings kami sa pag-typecast sa kanya sa kontrabida roles na madalas ay nilalamon niya ang mga ‘inaapi’ niya sa programang kanyang kinabibilangan.

Ayon sa isang report mula sa GMA Network, hindi naman na raw mang-aagaw ng lalaki ang role ni Thea. Wow, for a change! Hindi na nga ba siya mang-aagaw ng lalaki, o sa first few weeks lang ito? Wala na bang high blood scenes o karupukan sa mga boylet?

Gagampanan ni Thea Tolentino ang papel bilang Ginger Romano. Kakumpitensya kaya siya ni Mikee Quintos sa pagluluto? Kunsabagay, mukhang wholesome fantasy-romance show naman ito kaya siguro hindi na atat sa lalaki ang role na gagampanan niya.

ADVERTISING

Ilan sa mga babaeng pinahirapan ni Thea Tolentino onscreen ay sina Barbie Forteza, Janine Gutierrez, Maine Mendoza, Sanya Lopez Kris Bernal at Arra Agustin. Ngayon ay si Mikee Quintos naman ang kanyang aapihin (at lalamunin?) sa aktingan.

Abangan na lang natin kung may bagong putahe ba ang pagiging kontrabida ni Thea sa programang ito. Siguro, affected lang kami dahil malaki ang potensyal ng dalaga pero tulad ng ibang promising stars ng GMA-7 in the past, nata-typecast ito sa maldita roles na ang paraan para mag-grow ito bilang aktres ay ang paghanap ng mas challenging roles sa indie films o sa ibang network.

 

ADVERTISING