Thea Tolentino, Joaquin Domagoso at Jolo Estrada bida sa Regal Studio Presents: Ethan’s Return

KATULAD ng mga inihain nila noong Nobyembre ay iba-iba rin ang putahe ng Regal Studio Presents ng GMA para sa buwan ng Disyembre.

Last Sunday ay marami ang napangiti at naantig sa ‘Myra’s Miracle’ na pinagbidahan nina Claire Castro at Mosang. This Sunday, December 12 ay isang fantasy-romance naman ang mapapanood natin.

Thea Tolentino, Joaquin Domagoso at Jolo Estrada bida sa Regal Studio Presents: Ethan's Return
Thea Tolentino, Joaquin Domagoso and Jolo Estrada in Regal Studio Presents: Ethan’s Return

Ang ‘Ethan’s Return‘ ay pinagbibidahan nina Thea Tolentino, Joaquin Domagoso at ng newbie na si Jolo Estrada. Kuwento ito ni Grace (Thea Tolentino), isang dalaga na may mapait na karanasan sampung taon na ang nakararaan. Namatay ang kanyang boyfriend na si Ethan (Joaquin Domagoso) at nahirapan itong mag-move on sa buhay. With the presence of their common friend named Clark (Jolo Estrada), unti-unting bumukas ang puso ni Grace at handa na itong magmahal muli.

Just when things are starting to get better ay biglang kumatok ang misteryosong zombie sa kanyang bahay – it’s Ethan and he’s stuck to being 17 years old! And he’s a zombie! Nyek!

Ano kaya ang mangyayari sa kakaibang love story na ito? With this unlikely trio, magwo-work din kaya ang kanilang chemistry sa episode na ito? ‘Yan ang ating abangan sa paboriting Sunday Family Show ng bayan!