‘The World Between Us’ nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, may season break

HINDI MUNA mapapanood ng mga ‘betweeners’ ang primetime romance-drama series ng Kapuso network na ‘The World Between Us‘. Ito ang inaabangan gabi-gabi ng mga fans nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

Ayon sa direktor ng programa na si Dominic Zapata, sa Nobyembre 15 pa muli mapapanood ang serye.

'The World Between Us' nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, may season break
Jasmine Curtis-Smith and Alden Richards Kiss in ‘The World Between Us’

“First and foremost, safety really comes first. We really understand that as a network, as people the audience looks up to, we have to show the same kind of responsibility we expect from each and every Filipino,”

“I think that’s what our adherence to safety protocols calls for kaya namin ginawa ‘yun” paliwanag ng magaling na direktor.

Sinabi rin nito na kung ipipilit pa rin nila na ituloy ang shooting ng serye kahit pa may ECQ o MECQ sa bansa ay masasacrifice ang integridad ng programa.

Sa dalawang buwan na season break ay umaasa ang direktor na kakapit pa rin ang kanilang mga loyal viewers.

“Malaki tiwala ko sa pagkakasulat, pagkakagawa, pag-aarte sa show na to. Malaki tiwala ko na minahal niyo siya well enough na nananabik kayo,”

Siguradong mamimiss ng mga Kapuso viewers ang tambalan nina Louie (Alden Richards) at Lia (Jasmine Curtis-Smith), na dalawang taong lumaki ng magkasama at hindi napigilang mainlab sa isa’t isa. Inspired ng ‘Wuthering Heights’ ni Emily Brontë’ ang TWBU.

'The World Between Us' nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, may season break
Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith and Alden Richards

Maliban kina Alden, Jasmine at Tom, kasama rin sa cast sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Alyanna Asistio at Kelley Day.

Habang absent sa primetime viewing ang TWBU ay mapapaaga na ang airing ng ‘Legal Wives’, na ngayon ay nangangailangan ng mas mataas na ratings para ganahan naman ang GMA na magbigay ng out-of-the-box programs!