‘The World Between Us’ nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, may major comeback ngayong gabi

IT’S PAYBACK TIME!

Pagkatapos ng dalawang buwan na season break ay magbabalik na sa ere ngayong gabi ang drama series na ‘The World Between Us’. Ito ay pinagbibidahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards with Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

‘The World Between Us’ nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, may major comeback ngayong gabi
Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith and Alden Richards

Mataas ang expectations ng mga tao sa comeback ng serye lalo na’t balitang pinaghandaan ito ng maigi ng mga cast lalo na si Alden Richards, na malakas ang CEO vibes sa teaser photos ng Season 2 ng programa. Maliban daw sa kanyang food diet ay nag-lifestyle change din ito. Mapaparami kaya ang mga eksena rito ni Alden na magpapakita siya ng abs? The bigger question is: Will there be pa-abs scenes?

Nagtapos ang Season 1 ng The World Between Us na may mixed reviews. May mga nagsasabi na masyadong pushover ang karakter ni Alden bilang Louie rito at nakukulangan naman ang iba sa chemistry nila ni Jasmine Curtis-Smith. Hindi naman maipagkakaila na marami rin ang boto sa JasDen tandem, pero siguro nga’y dapat pa nilang bigyan ng buhay ang kanilang chemistry para mas ang tambalan nila ang kapitan ng manonood.

Hindi maipagkakaila na malaki ang improvement ni Tom Rodriguez dito, na kung hindi kami nagkakamali ay first time gumanap ng kontrabida role sa isang GMA teleserye. In the long run ay maaaari na mas malilinya na ito sa villain roles dahil siya ay effective.

S’yempre, given na talaga talagang bongga pagdating sa drama sina Jaclyn Jose at Dina Bonnevie. Ngayon na alam na si Jaclyn ang tunay na ina ni Tom sa serye, ano ang mangyayari sa relasyon ng mag-amo? Magiging mabuting ina ba silang dalawa na magiging masamang magkaribal sa season 2?

Ang TWBU din ang nagsisilbing pagbabalik-Kapuso ni Sid Lucero, na gumaganap bilang isa sa ‘dangerous’ admirers ni Lia (Jasmine Curtis-Smith).

Ang beauty queen na si Kelly Day ay shalabels ang entrada. May posibilidad ba na ang karakter nila ni Alden ang magkatuluyan lalo na’t may sariling fanbase na rin ang kanilang tambalan?

Ano ang magiging papel ni Ricky Davao sa serye? Exciting ‘diba? Abangan natin kung malalagpasan ng ‘The World Between Us’ ang expectations ng mga viewers sa kanilang pagbabalik!