THE UNDERRATED ACTOR: TJ Trinidad, effective leading man sa ‘The Eternity Between Seconds’

ADVERTISING

THE UNDERRATED ACTOR: TJ Trinidad, effective leading man sa 'The Eternity Between Seconds'

THE UNDERRATED ACTOR: TJ Trinidad, effective leading man sa 'The Eternity Between Seconds'
TJ TRINIDAD

TJ TRINIDAD is one of our actors in the Philippines na maaasahan mo pagdating sa aktingan. Hindi rin natin maikakaila na marami itong fans na inaabangan ang kanyang mga proyekto.

Para sa amin, isa siya sa mga artista natin na ‘underrated’. Alam mo na he has the talent kahit bida o kontrabida man ang role and of course, he has the looks. Ipapares ba siya kay Kristine Hermosa sa Gulong ng Palad ng ABS-CBN at kina Regine Velasquez, Iza Calzado, Rhian Ramos to name a few sa GMA-7 kung hindi sila bilib sa kanya?

Isa siya sa mga few actors na alam mong deserve to be given bigger roles but for some reason, hindi na-maximize ang kanyang potential sa mainstream. Dahil ba sa choosy siya sa kanyang roles? Sa pagiging private nito sa kanyang personal life o hindi lang talaga nabibigyan ng magandang materyal sa big screen na siya mismo ang bida?

No need to fret na dahil sa wakas ay nabigyan siya ng lead role sa ‘The Eternity Between Seconds’ na kasalukuyang kalahok sa CineFilipino Film Festival. Dito ay kapartner niya ang Pop Rock Princess na si Yeng Constantino.

ADVERTISING

Sa pelikula, TJ plays the role of Andres Marasigan, isang 40-something  depressive self-help author and motivational speaker na ayaw munang umuwi sa Pilipinas at nagdesisyong magmuni-muni sa airport. Dito niya makikilala si Sam (Yeng Constantino), isang fresh graduate na KoPino (Korean-Pinoy) na lumipad ng Korea para makilala ang ang kanyang tunay na ama.

Ilang araw na rin pinapalabas ang pelikula in selected cinemas and so far, umaani ito ng good reviews particularly sa performance ni TJ. Sa tingin namin ay malaki ang tsansa nito na masungkit ang Best Actor award.

THE UNDERRATED ACTOR: TJ Trinidad, effective leading man sa 'The Eternity Between Seconds'
Yeng Constantino and TJ Trinidad in ‘The Eternity Between Seconds’

As early as now ay maraming fans ang nagrerequest na sana’y maisipan ng producer ng pelikula na isabak ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong 2018 para mas dumami ang makapanood nito. 

Ang ‘The Eternity Between Seconds’ ay palabas hanggang May 15 sa Gateway, Greenbelt 1 at anim na SM Cinemas with CineLokal (North Edsa, Megamall, Fairview, MOA, Manila, Southmall).

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING