The Threat To Sarah Geronimo’s Throne Is Here

ADVERTISING

The Threat To Sarah Geronimo’s Throne Is Here

The Threat To Sarah Geronimo’s Throne Is HereOOOOOLAAAAAA CHIKAAAAA! LUNES na! Kaya punumpuno ng nagbabagang mga intriga at kontrobersiyang hindi dapat palagpasin ng mga masusugid na tagabasa ng aking co-lumn dito sa Pinoy Parazzi!

ADVERTISING

Fresh na fresh pa sa kanyang pagkakapanalo si Angeline Quinto sa search for the next pop superstar contest na Star Power hosted by the megastar Sharon Cuneta, Lumabas na ang unang album ni Angeline after niyang pumirma ng management contract sa Star records with her carrier single na ‘Patuloy Ang Pangarap’ na ramdam na ramdam ng lahat na tunay na magiging number 1 dahil madaling sabayan at makabisado. At si Angeline mismo ay may taglay na maka-masa appeal, kaya madaling mahalin ng taong bayan!

Sa mga batikos sa kanya na hindi niya kayang tapatan ang Pop Princess na si Sarah Geronimo, masasabi ko na nagkakamali ang nagsasabi nun sapagkat isinilang na ang magpapataob kay Sarah!

Sa aking column n’yo rin nabasa na may mga intrigang lumalaki na at tunay na nagmamaldita itong si Sarah, ‘di ba?

ADVERTISING

Eh, itong si Angeline, nakausap ng aking source at tunay naman na napakatotoo nito at hindi mo makikitaan ng kahit ano mang bahid ng kasamaan! Hahahaha!

Pukpukan na ang ginagawang pag-iensayo ni Angeline para sa kanyang mga production number sa ASAP Rocks, madalas nga ay pinagsasama ang dalawa para makita mismo ng mga manonood na hindi nagpapahuli itong si Angeline kay Sarah.

Pagdating sa kaniyang pagkanta, walang dapat ipagtaka na siya na nga ang magiging mahigpit na katunggali ni Sarah. Huwag lamang siyang matulad dito at manatiling nakatuntong lamang ang kanyang mga paa sa lupa, malayo ang mararating ng batang ito! ‘Yun na!

BLIND ITEM: MGA, Kaparazzi, nakakawindang na blind item ito! Dapat maging alisto kayo sa paghula kung sino ang ating pag-uusapan, okay?

Heto na at sisimulan ko na! Sino ang dalawang male young actors na ito na kitang-kita ng mga Paparazzi gels na more tago sa likod ng isang coffee shop at nagsisigarilyo?

Yes, more yosi, more fun ang dalawa at may matching patingin-tingin pa sa paligid kung may nakakakita sa kanilang ginagawa na wari’y mga lookout sa kabulastugang ginagawa.

Hindi ko hinuhusgahan ang dalawang aktor na ito at wala rin akong kiber sa pagyoyosi nila dahil wala namang magandang nai-dudulot ‘yan sa akin! ngunit sa aking pagkakaalam, hindi sila dapat makita ng madla na nagyoyosi para naman hindi maisulat.

Subalit nakita sila at hindi sila nakatakas sa mata ng mga Paparazzi Gels namin, kung mapapanood n’yo sila sa TV, hindi mo malalamang malakas palang magyosi ang dalawa,

Clue: Ang isang male young star na ito ay napanood sa katatapos lamang na serye. Bago siya nagsimula bilang ka-loveteam ng baguhan ding actress ay kasali siya sa isang grupo ng mga young star na kumakanta at sumasayaw na mga naggaguwapuhang mga young stars din. Ang isa naman ay isang batang hiphop R&B rapper. Yun na!

For more chikka more fun, makinig na lang kayo Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11:30-12:00 ng tanghali, saan pa? Sa DWSS 1494KHZ, kasama ko ang aking co-host na si Lady Camille. Subaybayan pa rin ang programa ko tuwing linggo sa DZRH 666KHZ, 2:30-3:30 ng hapon!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING