THE SECRET IS OUT! Heart Evangelista, sumubok sa pelikulang ‘Crazy Rich Asians’

ADVERTISING

THE SECRET IS OUT! Heart Evangelista, sumubok sa pelikulang 'Crazy Rich Asians'

THE SECRET IS OUT! Heart Evangelista, sumubok sa pelikulang 'Crazy Rich Asians'
Heart Evangelista

HINDI LANG pala si Kris Aquino ang nag-audition para sa pelikulang “Crazy Rich Asians” na halaw mula sa libro ni Kevin Kwan na isinapelikula at isa nga ang Queen of All Media sa napabilang sa final cast.

Ngayon lang naikuwento ng actress na si Heart Evangelista na pati pala siya ay nag-audition din pero sa kasamaang palad ay hindi siya napili.

Sa Paris nag-meeting si Heart with Kevin. “I actually auditioned for ‘Crazy Rich Asians’, that’s my little secret and I almost got the part actually, that’s what he (Kwan) told me,” paliwanag ng GMA Kapuso actress recently.

Nang bumisita si Kevin sa Pilipinas para i-promote ang libro niya ang naging simula ng correspondence ng aktres sa book author.

ADVERTISING
THE SECRET IS OUT! Heart Evangelista, sumubok sa pelikulang 'Crazy Rich Asians'
Heart Evangelista

“Then we got along, and the next time I remember, he wrote about my painted bags for New York Times. So nagulat ako, naalala niya ako,” she said.

Nakatanggap ng tawag ang aktres from Kevin at tinatanong siya kung dadalo siya sa Paris Fashion Week na doon mas naging kongkreto ang paguusap nila.

Kuwento ni Heart: ”We were going to shoot something very special. So nagulat ako that he messaged me. And when I went to Paris and I met him, we became very close and we worked on something together and hopefully it will not be the last,” dagdag pa ng aktres.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING