The many similarities between Aj Perez and Rico Yan

ADVERTISING

The many similarities between Aj Perez and Rico Yan

The many similarities between Aj Perez and Rico YanNAKAGIGIMBAL ANG BALITANG sumalubong sa buong showbiz industry sa pagpanaw ng young actor na si AJ Perez, sa napakamurang edad na 18 years old, dahil sa vehicular accident.

ADVERTISING

Sa Facebook, agad naming pinost ang observation naming may resemblance pa man din sila ng namayapa ring aktor na si Rico Yan, ang naging alaga rin namin (kami ang official publicist ni Coricks for the first three years niya sa showbiz noon), dahil sa ka-cute-an nito.

Until we realized na hindi lang pala ang ka-cute-an nina Rico at AJ. Marami rin silang other things in common – parehong homegrown talents ng ABS-CBN, parehong nag-aral sa La Salle Greenhills, at parehong namatay at a young age, at parehong binawian ng buhay habang natutulog.

Si Rico ay binangungot, si AJ ay tulog pagkatapos nitong mapagod sa festival/ event sa Dagupan, Pangasinan, habang lulan ng van, sa Paniqui, Tarlac.

ADVERTISING

Hanggang sa a few minutes later, may nag-post ng photo ni AJ sa Facebook, and we’re printing it here. Mukhang hindi naman produkto ng photoshop.

Tila kuha ng isang fan o isang good friend niya, dahil as always, AJ flashed his “killer smile” – habang nakapose sa framed big photo ni Rico na naka-display pa rin sa hallway ng ABS-CBN. May reflection pa ng taong kumuha ng nasabing shot.

Dito kami kinilabutan nang husto. Hindi namin mawari kung may premonition ba ang kuhang ‘yun ni AJ habang ang background ay si Rico, or talagang coincidence lang. Ni hindi nai-post sa FB kung kelan kuha ang shot na ‘yun. Puwedeng dati na, puwede ring recently.

Sa isang interview ng mentor and manager ni AJ sa Star Magic na si Mr. Johnny Manahan, nag-dialog ito ng, “Given the chance, he can be another Rico Yan,” or words to that effect.

Dito kami lalong kinilabutan. Alam n’yo na kung bakit.

Hindi usually nagsasalita sa TV interviews si Mr. Manahan, pero hindi namin lubos maisip ang kanyang damdamin sa ngayon, knowing the fact kung gaano niya alagaan ang kanyang “babies” sa Star Magic.

Kasalukuyang nasa La Salle Greenhills nakaburol si AJ, na noong nagsisimula pa lang ito’y cute na cute na kami, as in may mata ang Molecules apparel para kunin siya as image model na nakabalandra sa EDSA ang huge billboard niya.

Ido-donate raw ang mga mata ni AJ kay Fatima Soriano, isang bulag na Marian o Mama Mary devotee. May AJ’s soul rest in peace, and our condolences sa kanyang pamilya.

TINAMAAN PALA NG pneumonia si Paulo Avelino, ayon sa balita, kaya walang choice ang Regal Entertainment kundi palitan na siya sa cast ng Temptation Island na kahapon (Linggo) ang first shooting day sa Ilocos Norte.

Kalokah naman at isa pa man din si Paulo sa alam naming naghanda for the movie, kung papaano niya pinaghandaan ang pagpapaganda ng kanyang katawan for his sexy  Bench underwear pictorial.

Bonggang break nga sana ‘yun for Paulo dahil makakasama siya sa remake ng isang classic film na, kasama sina Marian Rivera, Lovi Poe, Heart Evangelista, Aljur Abrenica, Tom Rodriguez, John Lapus.

Balitang ang pumalit sa role ni Paulo ay ‘yung model-turned-actor na binibigyan ng break ng GMA-7 na isa sa partners ni Marian sa Amaya, at wish lang namin ay deserving ang nasabing newbie for Paulo’s role.

May isang indie film na natapos si Paulo entitled Ang Sayaw ng Kaliwang Dalawang Paa, isang Cinemalaya 2011 official entry na kung saan makakasama nito sina Rocco Nacino at Ms Jean Garcia.

Ang said Cinemalaya movie ay mula sa script at direction ni Alvin Yapan at produced ng fellow-former teacher ni Alvin na si Alemberg Ang.

Sina Alvin at Alem rin ang magka-“tandem” as director-producer ng Ang Panggagahasa Kay Fe ni Irma Adlawan sa Cinemalaya 2009.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING