THE INCREDIBLE TANDEM: Bossing Vic Sotto, puring-puri si Coco Martin

ADVERTISING

THE INCREDIBLE TANDEM: Bossing Vic Sotto, puring-puri si Coco Martin

THE INCREDIBLE TANDEM: Bossing Vic Sotto, puring-puri si Coco Martin
Maine Mendoza, Vic Sotto and Coco Martin

SA PANGALAWANG pagkakataon na lang pala nagkaroon ng katapuran ang wish ni Coco Martin na makasama sa isang project ang kanyang idol na si Vic Sotto.

ADVERTISING

Via the MMFF 2018 official entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay natupad na rin ang isa sa mga wishlist ni Coco sa kanyang career.

“Matagal ko na po idol si Bossing,” panimula niya during the media conference ng pelikula nila.

THE INCREDIBLE TANDEM: Bossing Vic Sotto, puring-puri si Coco Martin
Vic Sotto

“Idol na idol po namin si Bossing ng pamilya ko,” sabi ni Coco.

ADVERTISING

Ngayon lang magkakasama sina Bossing at ang aktor dahil noong una ay nagkaroon ng problema ang project na dapat pagsasamahan nila.

As far as I know, may problema yata sa network management ng dalawa (ABS-CBN and GMA) ang dapat sana’y noon pa nagawa ang project nilang dalawa.

But with both efforts nina Bossing Vic at Coco, naisakatuparan din sa wakas ngayong huling hirit ng 2018 ang malaking pelikula ng komedyante at aktor.

Sa isang panayam kay Bossing Vic during the media conference, puring-puri niya ang aktor: “He deserves what he is right now. Kung ano man ang narating niya ngayon, from where he was, kung ano siya ngayon, he deserves it dahil nakita ko ang sipag niya sa trabaho,” sabi ng bateranong komedyante.

Dagdag pa ni Bossing Vic tungkol sa karanasan niya with Coco: “Si Coco nung magkasama na kami, meetings pa lang and all that, sa principal photography, sa shooting, nakita ko na kung bakit siya very successful. He deserves what he is right now.”

THE INCREDIBLE TANDEM: Bossing Vic Sotto, puring-puri si Coco Martin
Coco Martin

Isa sa mga ugali ni Coco na hanga si Bossing Vic pagdating sa trabaho ay ang pagiging perfectionist niya na aminado naman ang marami sa mga katrabaho ng aktor. “Nakita ko yung passion sa trabaho, hindi maarte sa trabaho.

“More importantly, yung pakikisama sa tao,” kuwento ni Bossing Vic na siyang kadalasang ikinikuwento ng ibang mga artista na nakakasama ni Coco.

“Nakita ko yun kung paano niya kamahal yung mga katrabaho niya kahit sino. May malasakit siya sa kapwa.”

Ang cute ng premise ng pelikula dahil nag-switch ang grupo ni Bossing Vic at ni Coco. Sa pelikula, ang mga stars ng ABS-CBN FPJ’s Ang Probinsyano ang mga kaeksena ng komedyante while si Coco naman ang mga kaeksena ay ang grupo ni Bossing Vic ang mga back-up niya.

With this movie of Direk Mike Tuviera, I’m sure mababasag na ang network war between GMA and ABS-CBN.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING