‘The Hows of US’ nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pinipilahan pa rin!

ADVERTISING
'The Hows of US' nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pinipilahan pa rin!
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

IBA TALAGA ang kamandag ng KathNiel loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang kanilang latest movie na ‘The Hows of Us‘ na yata ang pinaka-successful na pelikula ng 2018 dahil up to this day ay todo support pa rin ang fans ng dalawa lalo na sa mga probinsya na kahit matagal nang palabas ang movie (on its 4th week na sila by tomorrow) ay full day pa rin ang schedule nila. Bongga!

Ang latest update ay natalo na nga raw nila ang box-office record ng One More Chance nina John Lloyd at Bea. Nandyan man ang Goyo: Ang Batang Heneral, The Hopeful Romantic at mga Hollywood films tulad ng Crazy Rich Asians, Equalizer 2 at A Simple Favor ay hindi pa rin nagpapatinag ang dalawa.

'The Hows of US' nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pinipilahan pa rin!
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

Ayon sa mga nakapanood na non-KathNiel fans na napanood ng pelikula out of curiosity, relatable daw kasi ang kuwento dahil at some point in their lives ay naging Primo (Daniel Padilla) sila na sobra ang bilib sa sarili at puro passion lang ang binibigyan ng importansya. May mga nagsasabi na sila ay naging George (Kathryn Bernardo) na ginawa ang lahat para sa minamahal – to the point na kahit ang sarili nilang pangarap ay sinakripisyo na nila. Kaloka!

Madami rin ang nakapansin na malaki ang improvement ng acting ni Kathryn sa movie. Woman na woman na raw talaga ito na palaban hindi lang sa iyakan kundi maging sa pagpapasexy at pakikipagtukaan na more than four times ‘ata. Kaaliw!

ADVERTISING