‘The House Arrest of Us’ nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mapapanood na sa October 24!

ADVERTISING

MISS NA MISS mo na ba ang tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla? Kami rin!

Matagal-tagal na rin natin hindi napapanood sa TV at pelikula ang magnobyo. Huli natin nasilayan ang KathNiel bilang magkatambal sa La Luna Sangre ng ABS-CBN at sa big screen naman ay sa The Hows of Us pa noong 2018 pa natin sila huling nakasama sa loob ng mga sinehan.

ADVERTISING
'The House Arrest of Us' nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mapapanood na sa October 24!
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in ‘The House Arrest of Us’

Ngayon na off-the-air ang ABS-CBN, paano na ang ating pangangailangang KathNiel lalo pa’t postponed ang supposed drama primetime series nila?

No need to feel sad and lonely dahil ang dalawa ay may sorpresa sa inyo!

Under the new normal ay pasisiyahin tayo nina Kathryn at Daniel sa pamamagitan ng bagong digital series ng IWantTFC at KTX na ‘The House Arrest of US’. Obviously, this is a spin on their successful 2018 movie (na malapit na rin mapanood sa Netflix soon!). This time, romance-comedy ang atake nito. Ito ay tungkol sa magnobyong engaged to be married na, pero manganganib ang kanilang relasyon dahil sa isang ‘pamamanhikan gone wrong’. Ang masaklap pa, biglang idineklara ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa kaya naman walang choice ang magnobyo at ang mga kapamilya nito kundi ang magsama pansamantala sa iisang bubong.

ADVERTISING

This riot romcom digital series also includes Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Gardo Verzosa, Arlene Muhlach, Dennis Padilla at marami pang iba. Trailer pa lang, napakakulit na!

Sa panahon na ‘bawal lumabas’ at tila mas matatagalan pa ang ating pananatili sa ating bahay, maganda rin na makanood tayo ng feel-good content para naman sumigla-sigla ang ating mood, ‘di ba?

Mapapanood na ang ‘The House Arrest of Us’ simula October 24 sa KTX.PH o IWantTFC. Ang kailangan mo lang gawin ay magbayad ng Php 499 per season pass. Sigurado akong susuportahan ito ng mga Kapamilya fans lalo na ang mga loyal sa KathNiel!

ADVERTISING