THE CAMPUS HEARTHROB: RJ Agustin, bagong kilabot ng mga kolehiyala!

ADVERTISING

THE CAMPUS HEARTHROB: RJ Agustin, bagong kilabot ng mga kolehiyala!

THE CAMPUS HEARTHROB: RJ Agustin, bagong kilabot ng mga kolehiyala!
RJ AGUSTIN

CAMPUS HEARTHROB o “Kilabot ng mga Kolehiyala” ang tawag ngayon sa guwapong singer na si RJ Agustin. With the success of his single “Seryoso na Pala” na hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin ng kanyang fans, things are looking brighter for the talented guy.

Pumanaw ang kanyang ama na si Direk Agusto “Boy” San Agustin na naging direktor ng ilang action films noong 90’s. Ang huling obra nito ay ang MMFF 2016 entry na Kabisera starring Nora Aunor at lumabas din doon si RJ.

How are coping after your father’s death?

“Life goes on. Masakit na mamatayan lalo na kapag idol mo at tatay mo pa pero tulad nga nga ng sabi ng lahat, “the show must go on” kaya in fact the day after my dad passed away, nag-show na ako sa Arellano University for my school tour.”

ADVERTISING

Para masayahin ang kanyang mga supporters at lalo pang lumawak ang fanbase, RJ is currently doing a Campus Tour. Napag-alaman namin na graduate pala ng Business course ang binata from the prestigious UST.

Ano ang pakiramdam sa tuwing humihiyaw ang iyong young fans whenever you’re performing onstage sa mga campus tours mo?

THE CAMPUS HEARTHROB: RJ Agustin, bagong kilabot ng mga kolehiyala!
RJ AGUSTIN

“Nakakataba ng puso ang mga students kapag nadidinig mo silang kinakanta ang song mo and the reception was so warm! At this point I want to say thanks sa mga nanuod at nakisaya sa mga Arellano Pasay, Arellano Pasig, Arellano Legarda, Central Colleges of the Philippines at iba pa.

Magkita-kita tayo sa mga susunod na school tour ko tulad on Aug 8 sa Arellano Malabon, Aug 10 sa Our Lady Of Fatima and on Aug 14 sa University of the East. Bibisitahin ko din ang UST at PLM sometime in August so we will announce kung kelan ang dates.”

So, what’s next for RJ Agustin?

“My first single under Star Music “Seryoso Na Pala” did very well kaya in the offing na ang aking second single. Hopefully late this year, magkaroon na din ng self-titled album. I am grateful to all my bosses na sina Roxy Liquigan and Jonathan Manalo of Star Music for all their trust and my management Firestarters Artist Management for always being there. And of course sa mga fans, especially to RJeneration for their support.”

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING