THE BIG REVEAL! Gerald Anderson, inamin na ang relasyon nila ni Julia Barretto

KUMPIRMADO NA ang matagal nang haka-haka ng madlang pipol: Gerald Anderson and Julia Barretto are in a relationship!

Ito mismo ang inamin ni Gerald Anderson sa payanam sa kanya ni Tito Boy Abunda na in-upload ngayong araw, March 5.

THE BIG REVEAL! Gerald Anderson, inamin na ang relasyon nila ni Julia Barretto
Gerald Anderson and Julia Barretto

“Yes, Tito Boy… It’s a yes,” masayang pagbubunyag ng binata. “I’m very happy,”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na inamin ni Gerald ang matagal nang pinag-uusapang pagkakadebelopan nila ng kanyang Between Maybes leading lady na si Julia Barretto. Nagsama ang dalawa sa pelikulang kinunan sa Saga, Japan. Dito rin natikman ni Julia ang kauna-unahan niyang onscreen kiss, na noo’y ikinagalit ng mga JoshLia fans.

Kapag papanoorin mo nga naman ang pelikula, hindi ka na magtataka kung magkakadebelopan ang mga bida.

Nang tanungin naman siya tungkol sa ‘ghosting’ isyu nila ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo, ito ang sinabi ni Gerald.

“Tito Boy, I can remember that moment like kahapon lang siya nangyari. But I can’t… I don’t have the guts to put someone in a bad light because gusto ko linisin ‘yung image ko or ‘yung side ko,” sagot ni Gerald.

Aminado naman ang binata na ina way ay guilty ito sa ginawa sa kanyang ex-girlfriend.

“Ganito lang po ‘yun. Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner tapos nag-decide ako mag-back out and ‘di magpakita kahit kailan. ‘Yun ba ang definition? Or is it walking away from a very unhealthy, toxic — not saying na siya ‘yung toxic, but being together, we were very toxic… Hindi narerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap. After months and months and months and months of being on the rocks and [puro] away… I mean, ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that. Bahala na po kung paanong ano, but if ‘yun ‘yung ghosting, I’m guilty of one of those two,” paliwanag ng Kapamilya actor.

THE BIG REVEAL! Gerald Anderson, inamin na ang relasyon nila ni Julia Barretto
Gerald Anderson and Juliaa Barretto

Sa tingin namin, napagkasunduan nina Gerald at Julia na unti-unting ibunyag sa publiko ang tunay nilang relasyon. Timing din na kamakailan lang ay inilabas ang music video ni Moira dela Torre para sa kantang ‘Paubaya’ na para bang ‘pinaubaya’ na ni Joshua si Julia sa kanyang current boyfriend na si Gerald Anderson.

Congratulations, Gerald and Julia! We wish you the best sa inyong relasyon. Hindi rin biro ang mga pinagdaanan ninyo! Makakahinga na kayo ng maluwag at makakapagbonding in public with comfort. Spread the love!