‘THE BEST KA!’ ni Mikael Daez papalit sa ‘Dear Uge’

NAGBABALIK-TELEBISYON ang Kapuso leading man na si Mikael Daez sa pamamagitan ng bagong informative entertainment show na ‘THE BEST KA!‘. Ito rin ang programang papalit sa katatapos lang na comedy show na ‘Dear Uge’.

'THE BEST KA!' ni Mikael Daez papalit sa 'Dear Uge'
Mikael Daez

Simula ngayong February 20 ay makikiliti ang ating mga imahinasyon sa mga detalyeng ipapakita ng ‘THE BEST KA!’, na karamihan ay mula sa Guinness World Records ‘Best of the Best.’ Knowing Mikael Daez, siguradong mas magiging fun and interesting ang paglalahad niya sa mga kuwentong kakaiba.

Nagpapasalamat naman ang Kapuso actor sa panibagong programang ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang home network. “Every project in GMA is a blessing kasi pinagkakatiwala ng GMA sa akin kung sino yung mga kasama ko, at yung buong crew and director. ‘Sa inyo ito, make this your own, and make us proud.’ ‘Yun ang nasa isip ko, make the most out of this, give it your best and enjoy.”

Kahit na lumabas na sa comedy shows tulad ng ‘Ismol Family’ at ‘Bubble Gang’ si Mikael, mas makikita ng viewers ang kanyang ‘lighter’ side dito lalo na’t mas nakilala siya as a teleserye actor.

“Sa trailer pa lang you can see me dancing. People know that I don’t dance that well. But I guess people don’t know that I do dance…Pero first time na lalabas yung side na ito doon sa isang hosting show. They’ve seen snippets of it as a character, sa ‘Ismol Family,’ sa ‘Bubble Gang.’ Pero dito sa ‘The Best Ka!’ I’m coming in as me, as Mikael, ibang side ang makikilala ng mga Kapuso natin.”

Nakakaramdam ba ito ng pressure? “May pressure naman lagi pero ang mas importante ay maibigay mo lahat at mag-enjoy ka, yung dalawang bagay na ‘yon. Ibigay mo lahat, prepare well. If you have a script, read your script, if you have objectives, understand the objectives pero at the same time, i-enjoy mo ‘pag nandun ka na. If you have those two things, the rest will play out.”

To make the pilot episode special ay sasamahan siya ng kanyang misis na si 2013 Miss World Megan Young. THE BEST KA TALAGA!

Previous articleVLOG WATCH: Althea Ablan and Bruce Roeland’s Valentine Samgyupsal Date (sana all!)
Next articlePokwang gaganap na overprotective yaya sa ‘Regal Studio Presents: Yaya Terror’