THAT THIN LINE BETWEEN: Ken Chan at Sanya Lopez bida sa unang pasabog ng ‘Regal Studio Presents’

MAGIGING aktibo na muli sa paggawa ng mga weekly anthologies ang Regal Entertainment Inc. o Regal Films. Lumaki ang karamihan sa atin sa panonood ng Mother Studio Presents at Regal Shocker noong 80’s at 90’s kaya naman nakakatuwa ang pagsasanib-puwersa nito sa GMA Network sa kasalukuyan.

THAT THIN LINE BETWEEN: Ken Chan at Sanya Lopez bida sa unang pasabog ng 'Regal Studio Presents'
Sanya Lopez and Ken Chan

Ang ‘Regal Studio Presents’ ang magiging bagong weekly viewing habit ng mga Pinoy viewers. Bilang unang pasabog, bibida ang mga fast-rising Kapuso stars and Regal Babies na sina Ken Chan at Sanya Lopez sa ‘That Thin Line Between’. Under the direction of Easy Ferrer (Ben x Jim, Finding You, The Missing etc.), siguradong kakikiligan ng mga viewers ang fresh team up na ito.

Kahit na first time magsasama bilang magka-loveteam sa isang proyekto sina Ken at Sanya, alam niyo ba na pareho silang alaga ng namayapang si Kuya Germs? Kung madalas kayo magpuyat noon para manood ng ‘Walang Tulugan’, siguradong naispatan niyo ang dalawa!

Ang ‘That Thin Line Between’ ay kuwento ng neighbors na sina Julius at Gemma Rose, na laging nagbabangayan. Hindi nila gusto ang isa’t isa, pero iba na ang usapan pagdating sa kanilang younger siblings.

Mapapanood ang premiere episode ng Regal Studio Presents: That Thin Line Between starring Ken Chan and Sanya Lopez with Shanelle Agustin and Sandro Muhlach ngayong Sabado, September 11 at 8:30PM. In the next two weeks naman ay bibida sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa ‘Raya Sirena’ na susundan naman ng real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa ‘1 Million Comments, Magjojowa na Ako’.