Thai superstar Mario Maurer, bulilyaso ang paggawa ng pelikula sa ‘Pinas?!

Thai superstar Mario Maurer, bulilyaso ang paggawa ng pelikula sa ‘Pinas?!

Thai superstar Mario Maurer, bulilyaso ang paggawa ng pelikula sa ‘Pinas?!TOTOO NGA KAYANG nabulil-yaso na ang planong paggawa ng movie ni Mario Maurer sa Pilipinas?

Naimbiyerna raw ang ini-endorse na clothing brand ni Mario nang alisin ang kanilang name sa isang event as sponsor.

Ang clothing brand ang magdadala kay Mario sa bansa bilang endorser at nakikisakay lamang daw ang isang network, bagay na parang hindi namin mapaniwalaan.

Ang alam kasi namin, may pag-uusap na nagaganap between Mario’s end and the network. Nakunan pa nga ng photo ang staff ng network kasama ang Thai superstar.

 

NAKAKALOKA ANG FAN ni Nora Aunor.

Minsan kasi tinukso ni Shalala si Kuya Germs sa radio kung nasaan na ang Nora Aunor. Pinag-uusapan kasi nila ang pagpapaayos ng Metropolitan Theater.

“O, nasaan na ang idol mo?” patutsada raw ni Shalala kay Kuya Germs.

May isang Chinese fan ni Nora ang sumugod sa radio show ni Kuya Germs at nagbigay ng tse-keng nagkakahalaga ng P60,000.

“’Eto, para kay Ate Guy,” sabi raw ng mayamang Chinese.

Naloka na lang si Shalala, Kuya Germs at Arnell Ignacio na naroon din noong mga oras na ‘yon.

 

NAKAKALOKA RIN ANG pag-amin ni Carlos Agassi na nagkaroon siya ng relasyon sa isang bading.

Ginawa ni Carlos ang pag-amin sa presscon ng Praybeyt Benjamin na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

“The relationship made me a better person. Dati mainitin ang ulo ko, ‘di ko alam ang gusto ko sa buhay, happy-go-lucky lang ako,” tsika ng actor.

“Wala kayong dapat katakutan kasi tao rin sila, nagmamahal, minamahal, nasasaktan.”

Ayon kay Carlos, siya ang niligawan at bagets pa siya noon, mga seventeen pa lang.

“I enjoyed his company. ‘Yun naman ang importante. Sex follows,” sabi niya.

After about a year, naghiwalay rin sila ng kanyang gay lover.

“Nag-away kayo, nag-break kayo. Siyempre immature pa ako noon. Bata pa ako noon, about 17 or 18.”

Pero kahit hiwalay na, naging maganda naman ang relasyon ni Carlos sa kanyang ex-lover.

“Ngayon kung magkita kami ayos lang. Paminsan-minsan we bump into each other. Wala, we talk.”

 

BLIND ITEM: NAKAKALOKA ang mga nabasa naming comments about a female TV host-singer sa isang website.

Kung mababasa lang ng hitad ang mga reaction sa kanya ay tiyak na maiinis siya o manggagalaiti.

Sabi ng isang nag-post ng comment, masyadong feeling daw si TVHA. Ayaw raw nitong nasasapawan. Kapag may kasama nga raw siya sa production number ay gusto palaging mag-shine ng hitad. Kung hindi mag-adlib ay gagawa ito ng eksena para mapansin.

Sa daily show nga raw nito, pati ang magdyowa na kasama niyang hosts na nagbibiruan habang nasa ere ay tinatarayan daw niya on air. Pinagsasabihan daw niya ang mga ito na ilabas ang kanilang personal na relasyon sa show.

Da who ang TV host? Naku, panlalaki at pambabae ang tunog ng name niya! ‘Yun na!

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas