‘Temptation of Wife’ nina Marian Rivera, Dennis Trillo at Glaiza de Castro, mapapanood na muli sa GMA

ADVERTISING

NAAALALA niyo ba ang Philippine adaptation ng Koreanovelang ‘Temptation of Wife‘ ng GMA-7? Ito ang teleseryeng huling pinagsamahan nina Marian Rivera at Dennis Trillo bilang magkatambal. Dito rin unang lumabas bilang bagong Kapuso leading man si Rafael Rosell at pinaggigilan ng bonggang-bongga si Glaiza de Castro dahil sa epektibong pagganap nito bilang kontrabida.

'Temptation of Wife' nina Marian Rivera, Dennis Trillo at Glaiza de Castro, mapapanood na muli sa GMA
Temptation of Wife

Kung love niyo ang apat na artista o kaya’y gusto niyo lang mapanood ang Temptation of Wife, we’re happy to share na nagbabalik na muli sa Kapuso Network ang much-loved drama na ito!

ADVERTISING

Yes, nagbabalik na ang Temptation of Wife. Panoorin kung paano magpapakamartyr si Angeline (Marian Rivera) sa pang-aahas ng kanyang bestfriend na si Heidi (Glaiza de Castro) sa asawa niyang pabling na si Marcel (Dennis Trillo). Mawawasak ang pagkakaibigan at pagmamahalan ng mag-asawa na mauuwi sa trahedya.

Pero wait… hindi d’yan natatapos ang kuwento. Babalik si Angeline bilang Chantal (Marian Rivera) na unti-unting aakitin muli ang asawa upang maghiganti rito. Lalo itong kaiinggitan ni Heidi at aabangan ng mga televiewers ang muling pagsasabong ng dalawang magandang babae. Guwapo mo Marcel, ha?

Sa kabilang banda, ang maasahang kaibigan ba na si Nigel (Rafael Rosell) ang nararapat para sa pag-ibig ni Angeline/Chantal?

ADVERTISING

Ipinalabas ang Pinoy version ng Temptation of Wife noong 2012. Naging mainit sa social media ang palitan ng mga linya nina Angeline/Chantal at Heidi at inabangan din ang mga sabunutan at sampalan scenes nila. In real life naman ay good friends sina Marian at Glaiza. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit maganda ang kinalabasan ng proyektong ito.

Mabubuo (o mawawasak?) ang umaga ninyo sa pagbabalik ng ‘Temptation of Wife’ sa telebisyon pagkatapos ng walong taon. Mapapanood na ito simula ngayong Lunes, October 10 tuwing 11:30 AM bago mag-Eat Bulaga. Make mornings better with this drama!

ADVERTISING