Teleseryeng pagbibidahan dapat nina McCoy de Leon at Elisse Joson, nasulot nina Elmo Magalona at Janella Salvador?

ADVERTISING

Teleseryeng pagbibidahan dapat nina McCoy de Leon at Elisse Joson, nasulot nina Elmo Magalona at Janella Salvador?

Elmo Magalona & Janella Salvador and Elisse Joson & McCoy de Leon
Elmo Magalona & Janella Salvador and Elisse Joson & McCoy de Leon

May balitang nakarating sa amin na ang supposed to be new teleserye na pagbibidahan sana nina Elisse Joson at McCoy de Leon ay naligwak at napunta sa tambalang Elmo Magalona at Janella Salvador.

May nag-PM sa amin telling us na imbes ang McLisse ang magbibida sa new serye, mapupunta na sa tambalang Elnella.

Kung saan mauuwi ang sinasabing new serye na ito, abangan na lang natin. Sa showbiz, kahit nagte-taping na nga ay nasi-shelve pa at ang masaklap pa, hindi na natutuloy pa ang pagpapalabas kahit naka-can na ang episodes na puwedeng magsimula ang pagpapalabas.

Tanong ng mga miron: naagawan na ba ang McLisse loveteam ng project at nakuha na ng tambalang ElNella? P’wes abangan natin.

ADVERTISING

Sa showbiz, habang hindi pa natin napanonood ang serye, puwede pang magkaroon ng pagbabago. Good luck!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING