Teleseryeng “The Good Son”, mapapamura ka sa ganda!

ADVERTISING

Teleseryeng "The Good Son", mapapamura ka sa ganda!

Teleseryeng "The Good Son", mapapamura ka sa ganda!
Joshua Garcia and Jerome Ponce

NGAYONG gabi na ang simula ng bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment na “The Good Son” para sa Kapamilya Network.

 
We had the chance to see the first three episodes ng bagong teleserye na mapapanood na tonight right after La Luna Sangre.
 
We did not expect na ganun katindi ang serye na maglulusad kina Joshua Garcia and Jerome Ponce as the next important dramatic actors sa liga nila na susunod sa yapak nina John Lloyd Cruz at Dennis Trillo at iba pang mga magagaling na mga aktor ng kasalukuyang panahon.
 
Matindi ang mga eksena. Masakit sa dibdib (siguro dahil walang commercial break) na hindi ko inaasahan na isang seryosong teleserye ang The Good Son na lalong ikalulutang ng galing sa pag-arte ni Joshua (as the Man of the Hour) at ni Jerome na may patutunayan sa pag-arte sa direksyon nina Manny Palo at Andoy Ranay.
 
Heavy drama “The Good Son”” na maging ang mga veteran actors natin ay puring-puri ang dalawa. Halos lahat ng mga eksena ay aakalain mo na highlights na ang mga napanood namin pero wala pa daw ito sa kalingkingan. Warm up lang pala yun.
 
Sey nga ni Eula Valdez who plays Olivia na rich mom nina Jerome at Nash Aguas on Jerome (Enzo): “He’s good. At first sinabi niya na natatakot siya na kaeksena ako. I just told him to relax and think that it’s just a role,” natatawang kuwento ng aktres sa amin.
 
Teleseryeng "The Good Son", mapapamura ka sa ganda!
Si Joshua naman who plays the role of Joseph na anak ni Albert Martinez sa labas kay Mylene Dizon was very very good sa napanood naming mga eksena niya.
 
Mapapamura ka sa galing ng binata. Lahat sila were good in their respective roles.
 
Kumbaga, wala ka itatapon sa acting nila. Lahat we’re excellent actors sa kani-kanilang mga roles na ginagampan na masasabing suwerte sina Joshua at Jerome na sila ang napili ng Dreamscape Entertainment to portray the roles as Joseph and Enzo respectively.
 
To the cast of “The Good Son” good luck sa pilot episode ninyo mamayang gabi.
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING