Teleseryeng ‘Babawiin Ko ang Lahat’ nina Pauline Mendoza, Carmina Villaroel at Tanya Garcia, magtatapos na

MAGTATAPOS NA ngayong Biyernes ang afternoon family drama series ng GMA Network na ‘Babawiin Ko ang Lahat‘.

Teleseryeng 'Babawiin Ko ang Lahat' nina Pauline Mendoza, Carmina Villaroel at Tanya Garcia, magtatapos na
Carmina Villaroel, Liezel Lopez, Pauline Mendoza and Tanya Garcia in ‘Babawiin Ko ang Lahat’

Parang kailan lang nang ibalita namin na ipapalabas na ang first solo launching drama series ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza, na unang nasilayan ng mga tao sa hit primetime fantasy series na ‘Kambal, Karibal’ noong 2018.

Ito rin ang nagsilbing major comeback project ng isa sa original drama queens ng GMA na si Tanya Garcia-Lapid. On a rare opportunity ay tinanggap ni Carmina Villaroel ang isang kontrabida role para sa isang serye. Kasama rin nila rito sina John Estrada, Kristofer Martin, Liezel Lopez, Dave Bornea, Gio Alvarez, Tanya Gomez at Manolo Pedrosa.

Dahil na rin sa nature ng lock-in tapings na requirement sa mga TV productions ngayon, hindi na kataka-taka kung mas past-paced na ang mga istoryang ipinapakita ngayon sa telebisyon. Hindi na katulad noong araw (wow, long time ago?!) na  hangga’t kayang pahabain ay pinapaikot-ikot lang ng mga teleserye ang mga televiewers.

Sa huling araw ng ‘Babawiin Ko ang Lahat’ ay mahuhuli na ng awtoridad si Dulce (Carmina Villaroel) na sukdulan na ang kasamaan. Sa pagbabalik ni Christine (Tanya Garcia) para makasama ulit ang kanyang mag-ama na sina Victor (John Estrada) at Iris (Pauline Mendoza), makukuha na kaya nila ang family happy ending na deserve nila?

 

Gagaya na ba si Trina (Liezel Lopez) sa kanyang Kuya na si Joel (Kristoffer Martin)? Paano na ang love story sa pagitan nina Iris at Randall (Dave Bornea)? Magkakaroon pa ba ng Book 2 tulad ng pinalitan nilang programa na Prima Donnas?

Abangan natin ang huling pagbawi nina Christine, Iris at Victor sa Babawiin Ko ang Lahat ngayong 3:25 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!

Previous articleVLOG WATCH: Luis Manzano reacts to Wedding Memes (laugh trip!)
Next articleSEALED WITH A KISS: Jane Oineza at RK Bagatsing, dinaan sa sayaw ang kumpirmasyon ng relasyon