Teleserye nina James Reid at Nadine Lustre, bagsak sa ratings kaya inilipat ng time slot

ADVERTISING

 alt=

James Reid & Nadine Lustre
James Reid & Nadine Lustre

Mukhang hindi naman totoo ang dahilan ng paglipat ng time slot ng teleseryeng “Till I Met You” nina James Reid at Nadine Lustre sa ABS-CBN.

Ayon kasi sa press release, ibinalik lang umano ang “Till I Met You” sa third slot na “pinagharian” ng dating serye ng JaDine na “On The Wings Of Love” para umano mas maraming JaDine fans ang makapanood na karamihan daw ay young professionals.

Pero ang totoo, bagsak sa rating games ang bagong serye ng JaDine at tinatalo ito ng katapat na Koreanovela sa GMA na “Descendants of The Sun”.

Tila pinatotohanan naman ito mismo ng Viva Artists Agency (VAA). Sa kanilang Instagram post, aminado ang VAA na ratings ang dahilan ng pagkakalipat ng “Till I Met You” sa third slot.

ADVERTISING

Anito, “To JaDine fans, there are reasons why we did not post ratings. Kaya nga po tayo nalipat ng third slot, ‘di ba? Let’s not emphasize the ratings, we have a good show & we love JaDine.”

“After all, it was our BOSS who gave them a break. Let’s spread love.” Dagdag pa ng VAA.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING