Teleserye nina Bea Alonzo at Paulo Avelino, pang-adult

ADVERTISING

Teleserye nina Bea Alonzo at Paulo Avelino, pang-adult

Paulo-Avelino-Bea-Alonzo FEELING KO towards the adult audience ang gustong ma-capture ng Dreamscape Entertainment sa bago nilang teleseryeng Sana Bukas Pa ang Kahapon na magsisimula in two weeks time na pamalit sa The Legal Wife.

Sa mga hindi nakaaalam, isang erotic substance ang chocolate na siyang premise ng teleserye na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

Kung ang The Legal Wife ay naging hit sa adult audience ng manonood ng telebisyon dahil sa adult topic and content, with the chocolate na kinakagat-kagat ni Paulo sa isang eksena, may ibig ipakahulugan ito na iba ang dating sa amin.

Sa full trailer ng bagong serye, may eksenang nakahubad ng kanyang pang-itaas ang aktor na nakatakip lang ang isang puting tela sa may maselang bahagi ng kanyang katawan na tipong nang-aakit. Tipong may gustong itawid na mensaheng erotica.

ADVERTISING

Interesting ang trailer para sa amin with Bea’s triple characters na may pagka-mysterious ang peg na kung bakit sumabog ‘yong kotse sa isang eksena.

With all the kaabang-abang na mga eksena sa pagsisimula ng bagong teleserye, mas interesting sa akin ang “sexual connotation” ng tsokolate na isang aphrodisiac (read: pampalibog) during the Mayan civilization.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING