Teleserye ni Sylvia Sanchez, mas bagay sa gabi kaysa sa hapon

ADVERTISING

Teleserye ni Sylvia Sanchez, mas bagay sa gabi kaysa sa hapon

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

Wala namang masama sa afternoon time slot, pero para sa amin, mas okey kung sa primetime inilagay ng ABS-CBN ang teleseryeng “The Greatest Love” na pinagbibidahan sa kauna-unahang pagkakataon ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez.

Nagsimula nang umere sa hapon ang “The Greatest Love”. Ito ang ipinalit sa nabakanteng time slot ng “Tubig at Langis” after “Doble Kara”.

Sa ganda ng teaser, pati na ng istorya ng “TGL”, at base na rin sa naririnig naming kuwento tungkol dito, mas bagay ito sa primetime, huh!

Sayang naman ang mga estudyanteng audience at mga working moms na nasa school at opisina pa by that time na umeere ito sa hapon.

ADVERTISING

Well, habulin na lang nila sa IwantTV ang bawat episode ng teleserye.

Anyway, siguradong maraming ina ang makare-relate sa karakter ni Gloria sa afternoon series. Tiyak din na maraming makisisimpatiya sa kanya at magiging aware kung ano ang epekto sa pamilya kapag ang isa sa mga miyembro nito ay nagkaroon na ng Alzheimer’s disease.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING