Teleserye ng Mahusay na Actress, Nanganib Matigbak

ADVERTISING

BLIND ITEM: Nanganib pala ang soap ng isang mahusay na dramatic actress to the point that the TV network—kung  saan ito umeere—threatened to cut it short all because of its dismal rating.

Hindi kasi inaasahan ang mababang audience share nito vis a vis ang katapat nitong serye na may “mapangahas na tema”. As a result, tinawag daw ng pansin ng management ang bidang aktres, sinabihan na ng posibleng kanselasyon ng kanyang soap, bagay na ikinaiyak nito.

ADVERTISING

The creative team, however, promised to do a lot of catching up. Sa kuwento, ginawa nang walanghiya ang lead actor sa soap, while the lead actress is made to suffer in the hands of her aggressor.

In fairness, nakatulong daw nang bahagya ang malaking twist na ‘yon sa kuwento, but the actress should be in any way complacent.

Kailangan pa rin daw niyang tumawag sa lahat ng mga “santo” para magmilagrong makaungos ang rating ng kanyang serye against its rival show.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

 

 

ADVERTISING