Teejay Marquez, umalma sa pagkaka-link kay Martin Del Rosario

ADVERTISING

Teejay Marquez, umalma sa pagkaka-link kay Martin Del Rosario

Martin-del-Rosario-Teejay-MarquezMARIING PINABULAANAN ni Teejay Marquez ang kumakalat na balitang may namumuong special friendship sa kanila ni Martin Del Rosario. Ayon nga kay Teejay wala raw katotohanan ang nasabing balita. Nagkasama lang daw sila ni Martin sa indie film na Marka, kaya nga raw laking gulat nito ng biglang na-link sila sa isa’t isa.

“Hahaha! Nakakatawa naman ‘yung isyu na ‘yan! Ni hindi nga kami close ni Martin at bago pa lang kaming magkakilala dahil magkasama kami sa indie film na Marka.

“Ni hindi ko nga siya nakakasamang lumabas dahil iba ‘yung set of friends ko at iba rin naman ang set of friends niya. Kaya pa’no mangyayari ‘yung sinasabi nila.

“Napaka-awkward nga na i-link kami sa isa’t isa kasi pareho kaming lalaki. Hahaha! Kung sino man ang nagkakalat ng nasabing balita, God bless you!”

ADVERTISING

Hindi nga raw nito alam kung sino ang nagkakalat ng malisyosong balita, pero ipinapasa-Diyos na lang daw nito ang mga taong naglalabas ng ganitong klaseng balita. Papa’no naman daw mangyayari ‘yung sinasabi nila samantalang hindi naman daw sila sobrang close ni Martin at wala naman daw insidenteng lumalabas sila dahil hindi naman daw sila talaga magkaibigan.

Dagdag pa ni Teejay na nagkasama lang sila ni Martin sa shooting ng Marka at sa promo ng said indie film. Pero ang masasabi lang daw ni Teejay kay Martin, professional itong katrabaho’t magaling na artista.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING