Teejay Marquez, todo-tanggi sa kumakalat na nude photo sa social media

Teejay-MarquezUSAP-USAPAN NGAYON ang pagkalat sa social media ng nude photos ng Dubsmash King at newest ambassador ng Aficionado na si Teejay Marquez.
Nakausap namin ang ABS-CBN actor sa mismong contract signing nito bilang ambassador ng Aficionado Germany Perfume last August 5, 2015 sa mismong opisina ng Aficionado.
Ayon ka’y Teejay, “Nagulat nga ako kasi an’daming nagsasabing may nude photo raw ako. ‘Yung iba naman, tinatanong ako kung ako raw ba ‘yung kumakalat na nude photo.

Eh, wala naman akong maalalang may kuha ako na hubo’t hubad, kaya tiningnan ko ‘yung picture. Nu’ng tiningnan ko, malaki nga ‘yung hawig sa akin. Pero hindi ako ‘yun, kasi sobrang ganda nu’ng katawan, ang ganda ng abs. Hahaha! Eh, ‘di naman ganu’n kaganda ‘yung abs ko.
“‘Yun nga lang, pangalan ko ‘yung nakalagay kaya iniisip ng iba na ako ‘yun. May gumawa pa nga ng fake accounts ko na doon nilalagay ‘yung nude picture na kumakalat at ‘yung ibang mga topless photos ko.
“Pero ni-report ko na ‘yung fake accounts, kaya wala na. ‘Yun nga lang, napagpasa-pasahan na ‘yung litrato, kaya kumalat na siya.

“Natatawa nga ako, kasi sinabay pa sa pagpirma ko ng kontrata sa Aficionado Germany Perfume. Pero hindi talaga ako ‘yun. Kasi kung ako ‘yun, magiging proud ako. Kasi ang ganda-ganda ng katawan ko du’n sa litrato,” pagtatapos ni Teejay.

Kris-AngelicaKris Angelica, unti-unting napapansin sa Singapore

MATAPOS ANG matagumpay na MyPhone event sa Tagbilaran, Bohol noong  July 18, kung saan nagpasaya ang Kapamilya actor na si Teejay Marquez, ambassadors Jason Fernandez, at Kris Angelica sa mga Boholano,  unti-unti ring napapansin ang talent ni Teen Diva Kris Angelica sa Singapore. Ito ay dahil sa dubsmash na ipinost ng singer sa kanyang Instagram (@imKrisAngelica) at ini-repost ni Teejay.

Sunud-sunod ang nag-dubsmash ng “Sabi-Sabi” (debut single ni Kris Angelica) sa Instagram at halos lahat ay mula sa Singapore, kung saan pinuri si Kris Angelica dahil sa magandang melody ng kanyang single at husay nito sa pagkanta.

Si Kris Angelica ay produkto ng Birit Baby ng Eat Bulaga and managed by RED Models and Talents at VIVA Records. Hit na hit din ang kanyang single, dahil nag-number 1 ito sa Spotify Viral Hits Philippines.
Albie-Casino Albie Casiño, deserving sa second chance sa Dos

NANINIWALA RAW ang mabait at masipag na owner ng celebrity salon na Headway Vera Salon na si Sir Mikhail Hirang, na isa ring modelo, sa kanyang endorser na si Albie Casiño na deserving itong mabigyan ng pangalawang pagkakataon ng ABS-CBN.

Nagbabalik-Kapamilya Network via On The Wings Of Love ngayon si Albie bilang ka-love triangle ng isa sa hottest loveteam ng bansa na sina James Reid at Nadine Lustre.
Ayon nga kay Sir Mikhail, “Napakabait ni Albie kaya deserving siya na mabigyan ng second chance ng ABS-CBN. Sana magtuluy-tuloy na ‘yung suwerte niya sa ABS-CBN, kasi magaling siyang actor.”

Gagampanan ni Albie ang role na boyfriend ng character ni Nadine sa On The Wings of Love.

At sa unang pagpapalabas nga nito last Monday, humamig kaagad ito ng mataas na ratings at number 1 trending sa Twitter.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleEnjoy sa musical na “Rak of Aegis”
Next articleVilma Santos, wala pa ring political agenda

No posts to display