Teejay Marquez, na-feature sa Indonesian newspaper

ADVERTISING

Teejay Marquez, na-feature sa Indonesian newspaper

Teejay-Marquez“HAPPY PO ako , kasi ‘di lang sa Pilipinas napansin ‘yung Dubsmash video kong Twerk It Like Miley, kundi maging sa Indonesia.” Ito ang pahayag ng teen actor / Internet sensation na si Teejay Marquez, kung saan na-feature siya sa Indonesian newspaper na Sumatra Ekspres.
Halos  1 million views at 100,000 plus likes at patuloy pang tumataas ang video ni Teejay ng Twerk It Like Miley. K0aya naman sobrang  pasasalamat nito sa nasabing Indonesian news paper .
At para ipakita ang kanyang pasasalamat ay pinost nito sa kanyang social media accounts (Facebook , Instagram, at Twitter ) ang nasabing newspaper.
Joel-CruzNegosyo ng Lord of Scents na si Joel Cruz, going Global na

BUSY AS a bee ngayon ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz dahil tuluy-tuloy na ang  pagiging global ng kanyang sikat na negosyong pabango (Aficionado Gemany Perfume )
Dito nga raw ito nakatutok ngayon, dahil gusto nitong maging maganda ang maging impression ng mga kausap niyang businessman mula sa iba’t ibang bansa na gustong mag-franchise ng Aficionado Gemany Perfume at dalhin ito sa kani kanilang bansa.
Kaya naman daw tuluy-tuloy na talaga ang pagpasok ng Aficionado Germany Perfume sa international market at mas maraming tao pa ang mabibigyan ng trabaho at matutulungan ni Sir Joel.

Albert-QueAlbert Que ng UniSilver Time, 50 plu na ang celebrity endorsers ng relo


NAKATSIKAHAN NAMIN
habang nagkakape ang mabait at very hardworking na owner ng sikat na brand ng relo sa Pilipinas, ang UniSilver Time na si Sir Albert Que, kasama ang isa nitong kaibigan sa SM North Edsa Annex .
Nakabibilib ang kasipagan ni Sir Albert, dahil ito mismo ang lumilbot sa mga branches ng UniSilver Time para bisitahin at kumustahin ang kanyang negosyo .
Dito rin namin napag-alaman na almost 50 na pala ang endorsers ng UniSilver Time. Kasama rito sina Sam Milby, Karylle, Ejay Falcon, Derick Monasterio, Julie Ann San Jose , Bea Binene, Enzo Pineda , UPGRADE , Teejay Marquez , Joshua Joffe , Kate Lapuz , Eula Caballero, Ritz Azul , Sophie Albert , Vin Abrenica , Neil Perez, Ken Chan , Kim Rodriguez ,atbp.
Balita pa ni Sir Albert na may mga promo at bagong pakulo daw ang UniSilver Time na dapat abangan ng mga loyal buyers ngayong taon.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING