Teejay Marquez, muntik masaktan nang dumugin ng fans sa stage

ADVERTISING

Teejay Marquez, muntik masaktan nang dumugin ng fans sa stage

Teejay-MarquezKAMUNTIK-MUNTIKANG MASAKTAN ang Asian Internet Sensation at pinakabagong ambassador ng Aficionado Germany Perfume na si Teejay Marquez sa kanyang birthday mall show sa Fishermall last Sept. 20 nang dumugin ito ng mga taong naroroon at sumampa ng stage.
Mabuti na lang, nailayo kaagad ito ng mga security guard at nadala sa dressing room, or else baka nasaktan at nagalusan na ito sa dami ng taong sumampa ng stage at gustong magpa-picture o mahawakan man lamang siya.
Pero naging matagumpay naman ang birthday show nito sa dami ng mga taong pumunta at nakisaya sa kanyang kaarawan at sa pagdating ng kanyang mga kaibigan na nag-perform mula sa industriya sa pangunguna ng Upgrade, Pabebe Girls, Hazel Faith, Ralph Dela Paz, Kokoy De Santos, at Yexel Sebastian, kasama ang Fusion Dancers, Generation 6 Dancers, atbp. Hosted by Johna Chuchu of Walang Tulugan, Joric of Skechers, at Dan Yniguez of Tony and Jackey.
Samantalang sinuportahan si Teejay ng kanyang mga ini-endorse na produkto mula sa Hea (UniSilver Time), Skechers, Royqueen, Pedricos Pizza, Mossimo, People360, Fernando’s Bakeshop and Cakes, at YSA Skin and Body Experts, kung saan lahat ay may kanya-kanyang representative.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING