Teejay Marquez, may pelikula na, may sarili pang soap sa Indonesia

Teejay Marquez
Teejay Marquez

After ng two weeks vacation at sabay na trabaho rito sa Pilipinas, muling babalik sa Indonesia sa March 10 ang Pinoy Indonesian Star na si Teejay Marquez para sa kanyang bagong proyekto sa Indonesia.

Magbibida si Teejay Marquez sa isang Indonesian teleserye, kung saan gagampanan niya ang isang Pinoy-Indonesian na lumaki sa Amerika at muling babalik sa Indonesia.

Makasasama raw ni Teejay rito ang ilan sa mga sikat na Indonesian actors at isang Indonesian-based Pinay singer-actress na sikat na sikat din sa nasabing bansa na si Maribeth Pascua.

Bukod sa nasabing teleserye, magiging abala rin si Teejay sa Indonesia para sa promotion ng kanyang kauna-unahang pelikula roon entitled “Dubsmash” katambal ang isa sa pinakasikat na actress sa Indonesia.

Dagdag pa riyan ang shoot nito ng Indonesian TV commercials at ilang print ads at cover ng mga magazines sa nasabing bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKim Rodriguez, nakatatanggap na ng pamba-bash dahil sa pang-aapi kay Bea Binene
Next articleVice Ganda, iba na naman ang trip sa mismong kaarawan

No posts to display