Teejay Marquez, lumipat ng Dos sa kawalan ng trabaho sa Siyete

Teejay Marquez, lumipat ng Dos sa kawalan ng trabaho sa Siyete

Teejay-MarquezANG KAWALAN daw ng proyekto ang dahilan ng pag-ober da bakod ng Gawad Kabataan Ambassador na si Teejay Marquez from GMA 7 na ngayon ay napapanood sa top-rating primetime soap ng Kapamilya Network na Dream Dad.
Ayon nga kay Teejay, almost one year na raw siyang walang trabaho sa Kapuso Network, at nang may mag-offer sa kanya ng trabaho sa ABS-CBN, tinanggap na nito ang proyekto. Kailangan kasi niyang magtrabaho dahil bread winner siya.
Masaya nga raw si Teejay dahil maganda ang pakikipagtrabaho niya sa mga Kapamilya stars na very supportive sa kanya.

Justin-LeeGawad Kabataan host Justin Lee, gustong makilala sa showbiz


DESIDIDO RAW
ang Gawad Kabataan ambassador na si Justin Lee na makilala sa larangan ng pagho-host at pag-arte sa showbiz. Kaya naman daw ibinibigay nito ang 100% sa tuwing may trabaho siya.
Happy nga ito dahil tuluy-tuloy pa rin ang kanilang award-winning teen public service show na Gawad Kabataan Pilipinas na napapanood sa Celebrity Channel sa Youtube, kung saan kasama nito ang newest Gawad Kabataan Ambassador at ABS-CBN star na si Teejay Marquez.
Dito sa kanilang show, mas nahahasa raw ang talento ni Justin sa pagho-host at the same time ay nakatutulong sila sa mga kabataang kapos at nangangailangan ng tulong.

John’s Point
by John Fontanilla