Teejay Marquez, lumaban sa “Lip Sync Battle Indonesia”

ADVERTISING

Teejay Marquez, lumaban sa "Lip Sync Battle Indonesia"

Teejay Marquez
Teejay Marquez

Hataw kung hataw ang career ng Pinoy Indonesian Star na si Teejay Marquez, dahil bukod sa blockbuster nitong first movie sa Indonesia na “Dubsmash The Movie” na talaga namang pinilahan sa first day showing nito (June 9), at sa mataas na ratings na nakuha ng kanyang pinagbidahang once a week teen drama na “Popcorn Boy”, ka-join din ito sa ‘Lip Sync Battle Indonesia”, kung saan nag-lip sync ito ng isang Indonesian song.

Kuwento nga ni Teejay Marquez na nakapag-taping na raw sila sa “Lip Sync Battle” at nakatakda na raw itong ipalabas anytime . Happy nga si Teejay dahil sikat na celebrity ang kanyang nakalaban sa “Lip Sync Battle” at ayaw pa nga nitong i-announce kung nanalo siya o hindi dahil ‘di pa raw pinalalabas sa Indonesia.

Panoorin na lang daw sa YouTube ng kanyang mga supporter ang kanyang ginawa sa “Lip Sync Battle” para malaman kung nanalo ba siya o hindi.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING