Teejay Marquez, inuulan ng proyekto sa Indonesia

Teejay Marquez, inuulan ng proyekto sa Indonesia

Teejay Marquez
Teejay Marquez

Hindi na talaga maawat ang kasikatan ni Teejay Marquez sa Indonesia dahil after nitong magbida sa pelikula via “Dubsmash” at mapasama sa isang malaking teleserye roon, may bago na naman itong proyekto sa nasabing bansa.
Ito nga ang masayang ibinalita sa amin ni Teejay Marquez nang maka-chat namin ito na halos araw-araw raw ay nagtatrabaho at kokonti lang ang pahinga nito. Pero okey lang daw sa binata at nae-enjoy niya raw ito nang husto dahil hindi raw niya na ito experience sa Pilipinas.
Kaliwa’t kanan din ang pictorials nito para sa mga magazine doon at guestings sa iba’t ibang TV station.
Sana nga raw bago matapos ang taon ay matuloy na ang isa pang malaking pelikula ni Teejay na may temang horror katambal ang isa pang sikat na teen actress sa Indonesia.

John’s Point
by John Fontanilla