Teejay Marquez, instant sikat sa Indonesia

Teejay Marquez, instant sikat sa Indonesia

Teejay-MarquezMAALALANG MATAPOS dalawang beses na na-feature sa Indonesian newspaper na Sumatera Ekspres ang Kapamilya teen actor na si Teejay Marquez para sa kanyang Dubsmash ng “Twerk It Like Miley”, na-feature naman ito sa iba’t ibang TV show sa Indonesia.
Grabe nga raw ang impact na dala ng video ng “Twerk It Like Miley” ni Teejay na pumalo na sa 1 million plus ang views sa Facebook at 100-k plus ang likes nito.
Mabentang-mabenta nga ang kaguwapuhan ni Teejay sa Indonesia ngayon, kaya naman marami na raw ang tagahanga nito sa nasabing bansa.

 

Bea-BineneBea Binene, waiting pa ring magkaroon ng bagong teleserye

HABANG NAGHIHINTAY ng kanyang next teleserye sa GMA 7, abala pa rin at hindi nawawalan ng raket ang Kapuso teen star na si Bea Binene.
Mabentang-mabenta nga ito sa mall shows at fiestas sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas na siyang pinagkakaabalahan nito ngayon.
Dagdag pa rito ang pagkahilig ni Bea sa pag-a-out of the country like pagpunta sa Hong KIong, Thailand, at iba pa, at pagbabakasyon sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
MyPhone-Event-In-BoholMiss Bohol 2015, sinuportahan ng MyPhone at Save N’ Earn

 

NAGBIGAY-NINGNING SA Miss Bohol 2015 na ginanap sa Bohol Wisdom School ang Viva singer na si Kris Angelica, The Voice of the Philippines 2 Jason Fernandez, at Kapamilya teen actor at Dubsmash King na si Teejay Marquez, na hatid nina Mr. Raymond Roldan & Mrs. Janeth Roldan, Ms. Nikki Roldan of Save N’ Earn – MyPhone. Hosted by Will Devaugn and Rich Asuncion.

Naghandog ng dalawang katya ang Viva singer na si Angelica including her hit song na Sabi Sabi, habang nag-serenade naman sa mga candidates sina Jayson at Teejay. Kasama ang sikat na make-up artist na si Mr. Kenjie Nocillado at Inyi Yruma of My Phone.

Bukod sa nasabing event, pinasyalan din ng mga MyPhone ambassadors na sina Jayson, Angelica, at Teejay ang MyPhone at Save N’ Earn sa Island City Mall, BQ Mall (Save N’ Earn), at Save N’ Earn main.

John’s Point
by John Fontanilla