Teejay Marquez, ‘di pa raw hihinto sa pag-aartista

ADVERTISING

Teejay Marquez, ‘di pa raw hihinto sa pag-aartista

Teejay-MarquezWALA RAW katotohanan na hihinto na sa pag-aartista ang Tween Star na si Teejay Marquez dahil na rin sa napapabalitang pagtanggi nito sa ilang offers para mag-guest siya sa mga show ng GMA 7.

Tsika nga ni Teejay, “Hindi naman po sa hihinto na ako. Nagkataon lang po na back to school ako, kaya naman bagong pasok pa lang kaya kailangang mag-concentrate sa pag-aaral.

“Hindi rin po totoo na tumatanggi ako sa mga proyektong ibinibigay sa akin, dahil workaholic ako kaya gusto kong laging may trabaho.

“Kaya lang nasasabay sa may pasok ako ‘yung mga offer na guestings kaya naman hindi puwedeng um-absent ako kaya nagbe-beg off ako at sinasabi ko na puwede ako kapag walang klase.

ADVERTISING

“Ayoko naman na kasisimula pa lang ng klase, absent na kaagada ako. Ngayon kasi, isa sa priority ko na makatapos sa pag-aaral. Kung kaya naman nag-enrol ako ngayong taon kung saan kumukuha ako ng Culinary.”

Dagdag pa ni Teejay, kapag bakante raw ang kanyang oras o wala siyang pasok ay may mga proyektong tinatanggap naman daw siya katuad ng mall shows, out of town shows at TV guestings.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING