Teejay Marquez, ‘di na natutulog sa dami ng proyekto sa Indonesia

Teejay Marquez, 'di na natutulog sa dami ng proyekto sa Indonesia

Teejay Marquez
Teejay Marquez

Araw-araw raw at halos walang pahinga ang Pinoy Indonesian Star na si Teejay Marquez dahil sa dami ng proyektong ginagawa nito sa Jakarta, Indonesia.
Habang nagti-taping ito ng kanyang first teleserye sa Indonesia, kaliwa’t kanan din ang guestings nito sa iba’t ibang shows doon para i-promote ang kauna-unaha niyang pelikula na “Dubsmash”.
Kasabay pa nito ang kanyang photoshoot para maging pabalat ng mga magazine doon at interview para sa mga pahayagan sa nasabing bansa.
At kahit nga kulang sa tulog, happy raw si Teejay Marquez dahil hindi daw nito na-experience sa Pilipinas ang nangyayari sa kanya sa Indonesia. Kaya naman daw ini-enjoy na lang daw niya ito at ginagalingan para mas dumami pa ang proyekto niya roon.

John’s Point
by John Fontanilla