Teejay Marquez, dagsa ang offer sa Indonesia

Teejay Marquez, dagsa ang offer sa Indonesia

Teejay-MarquezTULUY-TULOY NA talaga ang pagsikat ng ABS-CBN star na si Teejay Marquez sa Indonesia. Pagkatapos nitong ma-feature sa iba’t ibang TV shows at newspaper doon, sunud-sunod naman ang dating ng offers sa kanya na magkaroon ng mall shows, pelikula, TV commercial, at TV shows sa said country.

Pero kailangan daw na matuto ng lengguwaheng Bahasa Indonesia ang teen actor para raw mas tumaas ang popularity niya sa Indonesia at mas maraming proyekto ang magawa niya. Kailangan din daw na mag-stay siya roon ng isang buwan para mas maka-penetrate siya roon.
May tentative dates na raw ng pagpunta ni Teejay sa Indonesia, pero ayaw pa niyang sabihin. Kapag okey na raw ang negosasyon at nagkapirmahan na ng kontrata, tsaka na lang daw iaanunsiyo ni Teejay ang pagpunta sa Indonesia.
Bukod sa Indonesia, sikat at nakikilala na rin sa Teejay sa Malaysia at Japan dahil sa kanyang viral Dubsmash video na “Twerk It Like Miley”.

Garth Garcia, kampi kay Rhap Salazar sa lip sync issue

SANG-AYON ANG mahusay na singer na si Garth Garcia sa naging pahayag ni Rhap Salazar kaugnay sa mga singer na nagli-lip sync na naging controversial.
Tsika nga ni Garth, “I think may point talaga si Rhap. Siguro may hinanaing siya as a singer, kasi sobrang dami niyang ginawa but still, hindi pa rin siya masyadong nare-recognize.”
Ano sa tingin mo ang reason kung bakit ginawa niya ang lahat, pero hindi pa rin siya sumikat-sikat? “Maybe, siguro, the looks, ‘noh? ‘Yun siguro. Kasi ang pinagbasehan nila ngayon, ‘yung visible na sa TV eh, si Rap kasi sobrang galing talaga. Pati si Anja Aguilar, kaibigan ko rin, na-bash din siya because of her comments, kasi nag-second the motion siya kay Rhap.”
Sa ngayon ay may sarili na ring album si Garth, ang kanyang self-titled album na “Garth Garcia” under Ivory Records, kung saan ang kanyang carrier single na “Masaya Na Akong Iniwan Ka” ay hit na hit sa iba’t ibang radio programs.
Ilan pa sa sure hits songs na nakapaloob sa kanyang album ay ang mga awiting “Ikaw Ang Mahal”, “‘Wag Kang OA” , “Write A Song”, “‘Di Inaasahan”, “Dagat Ka, Lupa Ako”, “Subukan Nating Muli”, at “Magulong Pag-ibig” na lahat ay siya mismo ang kompositor.

Headway Vera Salon, ang salon ng mga sikat na artista at modelo

PALAKI NANG palaki ang pamilya ng Headway Vera Salon na pag-aari ng modelong si Sir Mikhail Hirang sa pagdami ng celebrity endorsers nito.
Ilan sa celebrity endorsers nito ay sina Aiko Melendez, Shalala, Ogie Diaz, Ruby Rodriguez, MJ Marfori, Paolo Ballesteros, Casey Martinez of UPGRADE, Kevin Balot, June Macasaet, Candy Pangilinan, Albi Casiño, Jay Gonzaga, Mario Lumba, Justine Gabionza, atbp.
Patok na patok ang kanilang promo na “Be HAIRainy Season Ready! Choose Our Way, Headway Vera! Kung saan makaa- avail ng Rainy Seasons Promos na P999. Bumisita sa branches ng Headway Vera sa #fairviewterraces Call (02) 966-49-09/ (0927) 355 88 26. Other branches, Tomas Morato (372-42-50), SM North Edsa, at SM Mall of Asia.

John’s Point
by John Fontanilla