Teejay Marquez, balik-Indonesia para sa taping ng teleserye

ADVERTISING

Teejay Marquez, balik-Indonesia para sa taping ng teleserye

Teejay Marquez
Teejay Marquez

Bumalik na sa Indonesia ang maituturing na ring Indonesian/Pinoy Star last August 1 para sa taping ng kanyang kauna-unahang teleserye sa nasabing bansa.

At kahit nga gusto pa nitong ma-extend nang ilang araw pa ang kanyang bakasyon sa Pilipinas para makasama pa nang matagal ang kanyang pinakamamahal na lola, kailangan na raw nitong bumalik sa Indonesia dahil kailangan na niyang mag-taping ng nasabing serye.

Ayon nga kay Teejay Marquez, “Ibang-iba kasi ang teleserye sa Indonesia. ‘Yung na-taping n’yo for today, ipalalabas sa susunod nang araw, kaya almost everyday ang taping.

“At kapag maganda ang ratings nito, tumatagal nang 3 years hangang 10 years. Ganu’n katagal ang teleserye sa kanila. ‘Yung iba nga roon, sa soap na nila tumatanda.

ADVERTISING

Pero sabi ko nga sa kanila, ‘di ako puwedeng mawala nang matagal sa Pilipinas, dahil makalilimutan na ako, naiintindihan naman nila ako. Kaya pinapayagan naman nila akong magbakasyon nang ilang araw sa Pilipinas , tapos balik din sa Indonesia.

Bukod nga sa kanyang soap, may pelikula pa itong gagawin sa Indonesia at may mga guestings sa iba’t ibang TV shows sa Jakarta.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING